Matutunghayan na ang bagong pasyalan at atraksyon sa Bonifacio Shrine o Kartilya ng Katipunan.

Dalawang araw bago ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso o Valentine’s day ay bubuksan na ang bagong gawang ‘Musical Dancing Fountain’ sa tapat ng Kartilya.

Sa kanilang abiso, inanyayahan ng Department of Tourism Culture and Arts of Manila (DTCAM)  ang publiko na makiisa at saksihan ang inagurasyon ng isa pang makulay na atraksyon bukas, araw ng Miyerkules.

Ayon pa sa kanilang imbitasyon, pangungunahan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang  pagpapasinaya sa  dancing fountain ganap na alas-6:00 ng hapon.

Inaasahan naman na kagigiliwan ito hindi lamang ng mga Batang Maynila kundi ang mamamayan na nakasuporta sa patuloy na pagbabago sa lungsod ng Maynila.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *