Murang gamot suportado ni Sen. Bong Go

NAGPAHAYAG ng suporta si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa panukalang pagpapalawak sa Maximum Drug Retail Prices (MDRP) list upang matiyak na makabibili ng mas murang gamot ang taongbayan
“Mr. President, as chairman of the committee on health and demography, and an advocate of universal healthcare access for all Filipinos, I hereby manifest my support for the initiative to expand the Maximum Drug Retail Price or MDRP to ensure that our countrymen and women gain easier access to cheaper quality medicines. As I have said before: Healthcare is a right, not a commodity,” sabi ni Go sa Senate session matapos ang privilege speech sa naturang isyu ni Senator Risa Hontiveros.
Kapwa sinabi nina Go at Hontiveros na dapat matalakay ang naturang isyu sa pamamagitan ng mga probisyon sa Cheaper Medicines Act of 2008, na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na magpataw ng maximum retail prices sa mga ibinebentang gamot sa bansa, base sa rekomendasyon ng kalihim ng Department of Health (DOH).
Ani Go, personal niya itong tatalakayin kay Pangulong Duterte.
Sa kanyang speech, sinabi ni Hontiveros na sa pinakahuling Philippine National Health Accounts, lumilitaw na 41 porsiyento ng healthcare spending sa bansa ay sa pagbili ng pharmaceutical products o medicines.
Ganito ang naging sentimiyento ni Go sa pagsasabing “According to data from the 2018 Medical Trends Around the World report of Mercer Marsh, essential medicines in the Philippines continue to be exorbitantly priced relative to international counterparts. Generic drug prices are also approximately up to four times higher than international reference prices.”

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close