MTRCB Chair binisto, kinikilig kay Papa P.

NASA ikatlong taon  na ng panunungku lan si Rachel Arenas bilang hepe ng Movie and Television Classification Board (MTRCB).
Sa kanyang termino, marami na rin siyang nagawa lalo na ang pagpapaigting sa “Matalinong Panonood” program nito na ang outreach ay umaabot pa sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Hindi naman nakapagtataka dahil nasa dugo na niya ang serbisyo publiko.

Bago pa man siya na-appoint noon ni Pangulong Duterte bilang MTRCB chief, naging aktibo na siya sa mga kawanggawa sa Philippine National Red Cross at iba pang cause-oriented organizations tulad ng kanyang inang socialite at philantropist na si Baby Arenas na kasalukuyan ay Deputy Speaker sa Kamara.
Bukod dito, napakalawak na rin ng kanyang karanasan dahil nakapagsilbi na siya sa apat na pangulo: kay Erap, GMA, Noynoy at ngayon nga ay kay Digong.
Bilang MTRCB chair na nasa kanyang ikatlong taon, gusto ni Rachel na palaganapin pa ang matalinong panonood at dalhin ito sa barangay level para mas maging malawak ang sakop nito at maraming Pinoy ang makinabang.
Pamilyar din si Rachel sa entertainment industry. Kilala rin niya ang mga stakeholders sa showbiz.
“Actually, I want to involve all the stakeholders para pag-usapan pa on how we can help each other and collaborate. Gusto ko rin sanang magkaroon tayo ng mas maraming Tagalog movies,” pahayag niya.
Todo rin ang suportahan niya sa mga Pinoy filmmakers na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa mga international film festivals.
“Napakagaling ng ating mga filmmakers at hindi sila nahuhuli sa ibang bansa, kaya dapat lamang na mabigyan sila ng suporta para mas ma-inspire pa silang gumawa ng mga de-kalidad na mga pelikula”, aniya.
Labis din ang suportang ibinigay niya sa Metro Manila Film Festival sa pamamagitan ng kanilang online show na “MTRCB Uncut”.
Aminado rin si Rachel na fan siya ang mga Pinoy films.
“Nanonood din kami ng mga pelikulang Tagalog. Even my mom, pumipila kami. Iyon ang bonding time namin ng mommy ko,” pagbabahagi niya.
Talking of showbiz crushes, hindi naman niya ikinailang kinikilig siya kay Piolo Pascual na para sa kanya ay isang ultimate leading man.
Ilan pa sa showbiz crushes niya sina Ian Veneracion at ang Primetime King na si Coco Martin.

***

Len Carillo, ayaw ipagdamot si Karl
Ayaw ipagdamot ni Len Carillo, manager ng 3:16 Events and Talent Management Company ang oportunidad na kumakatok sa isa nitong Clique V talent na si Karl Aquino.
Papasok na kasi si Karl sa pinakabagong Sunday noontime variety show na “All Out Sunday” na papalit sa binakanteng slot ng “Sunday Pinasaya”.
Sa kaso naman ni Karl, sobrang thankful siya sa chance at pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng kanyang manager kung saan nahasa talaga ang kanyang singing, hosting at dancing skills.
Hindi rin ikinaila ni Karl na mami-miss niya ang bonding niya sa kanyang co-Clique V members na sina Marco Paulo Gomez, HirukiShiba Kaizer, Calvin Almojera, Sean De Guzman at Gelo Alagban dahil higit pa sa magkakapatid ang kanilang naging turingan.
Meanwhile, ngayong 2020, maraming plano si Madam Len sa kanyang talents kasama na ang Belladonas, lalo pa’t in-demand na rin ang mga ito sa mga concert, shows at out-of town engagements.

  • 11
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    11
    Shares

7 thoughts on “MTRCB Chair binisto, kinikilig kay Papa P.”

  1. Howdy! This post couldn’t be written much better! Going through this article
    reminds me of my previous roommate! He constantly kept talking about this.
    I am going to forward this post to him. Pretty
    sure he’s going to have a great read. Thank you for sharing!

    Way cool! Some extremely valid points! I appreciate you penning this post and the rest of
    the site is very good. Hello! Someone in my Myspace group shared this website with us so I came to check it out.
    I’m definitely enjoying the information. I’m book-marking and will be tweeting this to my followers!
    Fantastic blog and wonderful design. http://foxnews.net

  2. I absolutely love your blog and find the majority of your post’s to be precisely what I’m looking for.

    Would you offer guest writers to write content for yourself?
    I wouldn’tmind composing a post or elaborating on a nujber of the subjects
    yyou write regarding here. Again, awesome website!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *