LAGUNA – Binawian ng buhay habang isinusugod sa pagamutan ang 19-anyos binata kabilang ang kanyang nobya matapos aksidenteng bumaligtad ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bahagi ng Barangay Palina, Nagcarlan, kamakalawa ng umaga.
Batay sa ulat ni Capt. Elvin John Tio, hepe ng pulisya ng Nagcarlan, nakilala ang biktima na si John Rich Kevin Albueno, ng Fernandez St., Bgy. Kanlurang Bukal, Liliw; at girlfrend nitong si Sophia Secretario,15, estud-yante, ng Lirio St. Poblacion 2, Nagcarlan.
Sa imbestigasyon, 11:30 ng umaga nang sinundo ni Albueno sa Nagcarlan ang kanyang girlfriend na si Secreta-rio. Habang lulan ng isang motorsiklo na kapwa walang suot na helmet, nawalan ng kontrol sa sasakyan si Albueno sa bahagi ng kurbada matapos mag-overtake sa isang sasakyan at tuluyan bumangga at nahulog sa konkretong canal, sanhi ng pagbagok ng kanilang ulo at katawan.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close