Pinag-iisipang ipagbawal sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ang motorcycle taxis upang makaiwas umano sa mga aksidente.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia ang pagrerekomenda niya sa technical working group (TWG) na siyang nag-aaral sa mga motorcycle taxi na ipagbawal narin ang mga ito sa national roads.
“Hindi mo puwedeng isabay ‘yan sa mga bus. Kung ang tricycle, 3 na ang gulong, bawal sa national road, lalo na itong mga motorcycle taxi,” pahayag ni Garcia.
“Mas maiiwasan ‘yong aksidente kung nasa inner road na sila,” dagdag pa nito.
Kung matutuloy ang rekomendasyong ito, posibleng hindi na makadaan ang motorcycle taxis sa C-1 hanggang C-6, R-1 hanggang R-10, at EDSA.
Pagbibigay-diin ni Garcia, papayagan pa ring dumaan ang mga pribadong motorcycle rider sa mga naturang kalsada.
“Hindi motorsiklo na private, motorcycle taxi kasi nga may pasahero ‘yan,” pahayag pa nito.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *