MGA SENADOR BUMILIB KAY VP ROBREDO!

PINURI ng ilang senador ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa posisyon bilang co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
“Kudos to Vice President Robredo. I take my hat off to her for accepting the daunting challenge. Nobody in this world cannot be incapable of accomplishing a task as long as he or she puts his or her mind and conscience into the job,” bilib ni Sen. Ping Lacson.
Ayon pa sa senador, suportado nito ang pagsugpo sa iligal na droga ni Robredo.
Naniniwala pa si Lacson na mas mangingibabaw ang sinseridad at katapatan laban sa naturang problema.
“Experience counts but sincerity and mental honesty, not to mention the willingness to learn, should count more. We should all give her the support she needs to contribute her share in battling this pestering problem of illegal drugs that destroys lives, families and the youth to whom we will bequeath the future of our beloved country,” sabi ni Lacson.
“In my case, I am ready and willing to humbly share whatever modest law enforcement experience I gained in my previous life,” dagdag pa ni Lacson.
Sa panig naman ni Senate President Vicente Sotto III, isa aniyang magandang hakbang ang desisyon na ito ni Robredo.
Maaari na aniyang umpisahan ni Robredo ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng pagpokus sa pag-iwas at rehabilitasyon ng mga nalulong sa iligal na droga.
Handa rin si Sotto na magbigay ng kanyang mga idea hinggil sa pagsugpo ng naturang problema na dati na niyang naging trabaho.
“Very good move. She can start by concentrating on Prevention and Rehabilitation. I’m willing to give her some ideas that have worked before,” wika ni Sotto.
Aminado naman si Senador Sonny Angara na nasurpresa siya at hindi inaasahan na tatanggapin ni Robredo ang posisyon na ibinigay ni Pangulong Duterte.
Subalit umaasa si Angara na magtatagumpay si Robredo na maresolba ang tuluyang pagwasak sa illegal na droga na sumisira sa buhay ng komunidad at kabataan.
Naniniwala si Angara na kapag nagtagumpay ang bise presidente, ang magtatagumpay dito ang bayan at makakabuti para sa administrasyon dahil sa tiwalang ibinigay kay Robredo.
Sa panig naman ni Senador Francis Tolentino, bilang parte na si Robredo sa pagsugpo sa illegal na droga sa bansa, umaasa ang senador na makikita ng bise presidente at matatanggap din ang polisiya na ipinatutupad ng pangulo sa paglaban sa iligal na droga para sa ikabubuti ng bayan.
Tiwala naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na kakayanin ni VP Robredo ang bago nitong mandato bilang opisyal ng ICAD.
Ayon kay Drilon, bilang leader ng oposisyon, mananatili paring fiscalizer si Robredo kahit nabigyan ng administrasyon ng posisyon sa administrasyon.
Kasabay nito nanawagan si Drilon sa taumbayan at sa gobyerno na makibahagi at maging instrumento sa paglaban sa illegal na droga ni VP Robredo. Aniya, ang tagumpay ni Robredo ay magiging tagumpay ng bayan.
Samantala, welcome naman para kay Senadora Risa Hontiveros ang naging desisyon ni VP Robredo ang tanggapin ang pagkakatalaga ng pangulo.
Iginiit ni Hontiveros na sa kabila ng pananaw ng iba na pain lang ng pangulo ang pagkakatalaga kay Robredo para mabigo sa paglaban sa illegal drugs, kahanga-hanga parin ang bise presidente na ipinakita ang kahandaan na pamunuan ang paglaban sa ipinagbabawal na droga.
Naniniwala si Hontiveros na magagampanan ni Robredo ang mandato sa paglaban sa droga ng naaayon sa batas at walang malalabag na karapatang pantao.
Kasabay nito nananawagan ang senadora sa PDEA, PNP, DOH, DOJ at iba pang ahensya na suportahan si Robredo sa kampanya laban sa illegal na droga.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close