Calamity funds ng municipal, prov’l ipamigay na

HINIMOK ni Chief PNP Archie Gamboa ang 357 pulis na nasa ‘Duterte drug list’ na magretiro nalang para makakuha pa ng retirement benefits bago pa sila imbestigahan at kasuhan.
Ganun lang? Retire lang? Walang kaso? Napaka-unfair naman yata ito sa mga pinagsuspetsahang tulak, adik na hinuli, kinasuhan at mga pinatay?
No one is above the law. Ang batas, sabi ni retired Police Lt. General/ex-Manila Mayor/ ex-DILG Secretary/ ex-Senator Fred Lim, ay pinanday ng kongreso ng pantay-pantay para sa lahat. Yes! No one is above the law. The law applies to all otherwise none at all!!!
Itong mga pulis na nasa narco list, na sinasabing dumaan sa malalim na intelligence at double validations bago isapubliko, ay dapat sampahan na ng kaso. Dapat nga ay mas mabigat na parusa ang ibagsak sa kanila. Dahil silang tagapagpatupad ng batas ang lumabag. Mismo!
Oo! Chief PNP Gamboa, Sir! Hindi puede na basta nalang sila (mga pulis sa narco list) pagretirohin at bigyan ng full benefits. Aba’y napaka-unfair ito sa mga ordinaryong mamamayan na napagsuspetsahan lang na nagtutulak ng illegal drugs ay kaagad dinarakip, tinataniman ng ebidensiya, kakasuhan, ikukulong at ‘pag minalas-malas ay tinotodas! Again… the law must applies to all otherwise none at all!
And since isinapubliko narin ni Pangulong Rody Duterte ang unang narco list noon, kungsaan pinangalan niya sa harap ng media ang mga pulis, politiko at miembro ng judiciary na sangkot sa iligal na droga, walang dahilan para hindi niya ngayon banggitin sa madla ang pangalan ng 357 pulis sa kanyang bagong narco list. Ito’y upang maiwasan narin ng publiko ang mga demonyong alagad ng batas. Dahil nakatatakot, General, na makasama mo ang isang pulis na sangkot pala sa droga, damay ka ‘pag nagkahulihan o nagkabarilan.
Once again, Chief PNP Atty. Gamboa, Mr. President Duterte, mga Sir!, Boss!, Amo!, maging parehas lang tayo sa lahat… itong 357 narco cops ay dapat gawin din sa kanila ang ginagawa sa suspected drug pushers – kaso kung kaso, kulong kung kulong, patay kung patay – hindi ‘yung basta nalang sila pagreretirohin at pagkakalooban pa ng buong benepisyo. Nagkasala sila sa batas, dapat silang parusahan. Mismo!!!

‘No take policy’ sa iligal na mga sugal
SA tuwing may bagong Chief PNP, ang unang programa agad nito ay “No take Policy” against illegal gambling. Op kors sunod lahat ng hepe sa provincial, district at regional. But after few weeks or months, rampant na naman ang mga iligal na sugal. Bago na ang mga kolektong! Tama ba ako, pareng Non Alquitran? Hehehe…
Oo nga pala, Chief Gamboa, Sir!, malakas daw ngayon ang “Peryahan ng Bayan” sa Visayas. Eh dineklara na ito ng korte na iligal at matagal naring pinatigil ng PCSO.
Ayon sa aking source, “Davao Group” ang nagpapatakbo nito kaya walang huli. Boom buking!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *