Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco noong Lunes ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga residente ng Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).
Nasa 190 kasapi ng Samahan ng Mamamayang Nagkakaisa ng NBBN Inc. (SAMANA) ang nakatanggap ng mga titulo ng lupa mula sa Department of Environment and Natural Resources.
“Natutuwa po tayo na pagkatapos ng 23 taon, napasakamay n’yo na ang titulo sa inyong pag-aari. Makakatulog na kayo nang mahimbing dahil alam ninyong legal na kayong may-ari ng inyong lupa,” ani Tiangco.
“Nagtitiwala po ako na pangangalagaan ninyo ang inyong pag-aari at magiging responsable kayo sa pagbabayad ng inyong amilyar,” paalala niya.
Binanggit din ng alkalde na sinimulan ang pagproseso ng mga titulo ng lupa noong siya ay vice mayor pa lamang.
“Dati, industrial pa ang gamit ng lugar na ito. Kinailangan itong baguhin para maging residential at matuloy ng DENR ang pagproseso ng mga titulo,” paliwanag niya.
Ang Navotas revised Comprehensive Land Use Plan, na naglalaman ng mga reclassification o conversion of land use, ay naaprubahan noon 2018.
Kabilang sa dumalo sa pamamahagi ng titulo sina DENR-National Capital Region Regional Executive Director Jacqueline Caancan, NBBN Punong Barangay Melvin Manalo, at mga opisyal ng SAMANA Inc. na pinangunahan ng kanilang pangulong si Amalia Igot.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close