PROTEKTADO SI GAMBLING OPERATOR ZALDY NG NBI AT CIDG

ILANG buwan ang nakalipas nang nabunyag sa publiko na mismong ang hepe ng Philippine National Police (PNP) ay nasangkot sa iligal na droga.
Ang binabanggit ko ay si General Oscar Albayalde na naobligang magbitiw sa pagiging PNP chief noong Oktubre 14,2019, samantalang Nobyembre otso siya nakatakdang bumaba sa puwesto dahil ito ang araw ng kanyang pagreretiro sa pambansang pulisya.
Ang nakaimpluwensiya sa pagbibitiw ni Albayalde sa pagiging PNP chief nang maaga ay ang operasyong “agaw-bato” (pagkuha ng malaking bulto ng methamphetamine hydrochloride o shabu) noong Nobyembre 2013 sa bahay ng isang tukoy na drug lord sa Mexico, Pampanga.
Si Albayalde na colonel pa noon ay siyang provincial director ng PNP sa Pampanga nang maganap ang operasyon ng labingtatlong pulis sa pangunguna ni Major Rodney Baloyo IV.
Ang iskandalong nakakabit kay Albayalde ay hindi maipagkakailang malaki ang epekto sa PNP.
Nadismaya rin nang labis si Pangulong Rodrigo Duterte, spagkat hindi niya matanggap na ang pinili niyang PNP chief na inirekominda ni General Ronald dela Rosa bago ito magretiro sa pambansang pulisya ay mayroong palang ‘masamang’ nakaraan sa iligal na droga.
Ngayong si General Archie Francisco Gamboa (kaklase nina Dela Rosa at Albayalde sa Philippine Military Academy kung saan nagtapos sila noong 1986) na ang PNP Chief, inamin ng heneral na mayroong dalawang brigadier general at 355 pang opisyal ng pambansang pulisya ang sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Gamboa, ang dalawang brigadier general at 355 iba pa ay kasama sa listahan ni Pangulong Duterte ng mga taong sangkot sa iligal na droga.
Ipapaalala ko na nagsimula ang sinasabing “agresibo” at “madugong” kampanya ng adinistrasyon laban sa iligal na droga pagkaupo ni Duterte sa Malakanyang.
Malapit nang mag-apat na taon ang kampanya, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nauubos at natatanggal lahat ng mga opisyal at kasapi ng PNP na sangkot sa iligal na droga, batay na rin sa pag-amin ni Gamboa sa media.
Pinaimbestigahan ni Gamboa ang 357, kabilang na ang dalawang heneral, kung totoo o hindi ang pagkakasangkot sa iligal na droga ng nasabing kabuuang bilang ng mga pulis.
Isang buwan ang ibinigay ni Gamboa upang tapusin ang imbestigasyon.
Kaya, dalawang linggo bago matapos ang Marso ay malalaman ang katotohanan hinggil sa pagkakasangkot ng dalawang heneral at 355 iba pang opisyal ng PNP sa iligal na droga.
Anuman ang resulta ng imbestigasyon, ang punto ay napakalinaw na hindi maubus-ubos ang mga opisyal at miyembre ng PNP na mga sangkot sa iligal na droga hanggang kasalukuyan.
Kaya, obligado si Gamboa na tiyaking matanggal niya sa PNP ang mga opisyal at kasapi nito na sangkot sa iligal na droga, lalo na iyong dalawang brigadier general.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *