‘Birong totoo’ ni Digong kay Bong Go

TALAGANG mapapamura ka, puthanggg inahhh…
Mantakin nyo, mga pare’t mare, ang mga opisyal ng Philippine National Police na nasa narco list pinagreretiro lang ng maaga tapos may benepisyo pa! Samantalang ang mga sipuning tulak at adik sa squatters area pinagbabaril agad!
Anong klaseng war on drugs ito? Para lang ba ito sa mga walang kakayahang lumaban?
Kaya hindi nagtatagumpay ang kampanya laban sa iligal na droga dahil ang mga protektor at talagang drug lords ay pinalalagpas lang, ginagawang VIP, at ang mga sipuning tulak at kalaban sa politika lang ang pinagpapatay para takpan ang mga taong nasa likod ng sindikato. Mismo!
Sa higit 300 pulis sa narco list, isa raw doon ay Heneral, ang iba ay Kernel, Major, Kapitan, Tinyente at mga Sarhento’t Korporal. Ayaw pangalan ni PNP Chief Archie Gamboa kung sinu-sinong mga opisyal ito, pero kabilang sa mga inalis sa puwesto o ni-recall sa PNP Headquarters ay sina General de Leon mula sa “shabulized province” ng Cebu, at Lt. Colonel Jovie Espenido mula naman sa “shabulized” city ng Bacolod.
Mga pare’t mare, bagama’t “nilinaw” ni Gamboa na hindi si De Leon ang tinutukoy niyang heneral na nasa narco list, eh si De Leon lang naman ang biglang ni-relieve niya at inilagay sa floating status at “pinagreretiro” ng maaga.
Ito namang si Espenido ay maraming beses naging laman ng blind item nung na-assign sa Ozamis City, matapos niyang walisin ang umano’y pamilya ng drug lords na Parojinog.
Bago pa italaga ni Pangulong Duterte si Espenido sa Ozamis City, itinalaga siya sa Albuera, Leyte na ang specific assignment ay lipulin ang mag-amang drug lords na Espinosa, Mayor Rolando at anak na si Kerwin.
Pinagpapatay ni Espenido sa raid ang mga tauhan ni Espinosa sa compound ng alkalde.
Habang si Mayor Espinosa naman ay nakulong sa sub provincial jail sa Leyte. Pero ang kulungan ay ni-raid naman ng CIDG sa pamumuno ni Col. Marcos dahil may impormasyon daw silang tuloy parin ang drug transaction ni Mayor Espinosa. Pero ang totoo noon, mga pare’t mare, ay natakot raw si Marcos sa maaring ibunyag ni Espinosa.
Si Kerwin naman ay nahuli sa labas ng bansa, sa Dubai yata. Nang imbestigahan sya sa kongreso, nabanggit niya ang drug lords na nagsusuplay sa kanya. Isa rito si Peter Lim.
Si Peter Lim, na “nag-courtesy call” pa noon kay Pangulong Duterte, ay itinago na este nagtatago na raw.
Si Kerwin ay pinalad namang maging “state witness” matapos gumawa ng istorya na isa raw siya sa mga nagbigay ng drug money kay noo’y Justice Secretary ngayo’y Senador Leila de Lima.
Si De Lima, isa sa malupit na kritiko ni Pangulong Duterte simula mayor pa ng Davao City ang huli at nasa Commission on Human Rights naman noon si De Lima at inimbestigahan ang “Davao Death Squad”, ay tatlong taon na ngayong nakakulong sa kasong “droga” kungsaan ang mga nagtetestigo laban sa kanya ay ang mga convicted drug lord sa Bilibid. Boom!!!
Balikan natin ang mga opisyal ng PNP na nasa narco list at may mga kasong Graft, hindi naman yata tama na ganito lang ang gawin sa kanila ng gobyerno. Aba’y sobrang napaka-unfair ito sa pamilya ng mga pinatay sa droga, Mr. President, Sir?
Anyway, sinabi naman ni Pangulong Duterte na paiimbestigahan niya ang mga opisyal lalo si Espenido na sangkot sa droga. Ganun?
Aba’y teka… hindi ba sila rin naman ang gumawa ng narco list? So anong imbestigasyon pa ang kailangan gawin? Eh bago nila ilagay sa anti-drugs list ang mga taong ito’y binalideyt na nila, rite? So, bakit paiimbestigahan ulit? Malinaw na pinagloloko na tayo rito, mga pare’t mare…
Kaya hindi n’yo ako masisisi, mga ‘tol, na maniwala ako sa report ni Vice President Leni Robredo na “failure” talaga ang war on drugs at “1 percent” lang ang accomplishment ng administrasyon. Mismo!
Say n’yo, mga suki? Happy Valentines pala. Hehehe…

  • 7
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    7
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *