GRUPO NG BI SA ILALIM NI MANAHAN, SERYOSO SA TRABAHO

Nag-init ang ulo ni Mayor Isko Moreno nuong Lunes dahil sa natanggap na impormasyong nade-delay ang sweldo ng mga tauhan ng Manila City Hall na ‘job order’ lamang o ‘JO’.
Sa kanyang regular na pakikipag-pulong sa mga hepe ng departments, bureaus at offices sa City Hall, tinanong ni Mayor Kois sa mga hepe kung ano ang problema at naaantala ang suweldo ng mga JO sa ilalim ng kani-kanilang tanggapan.
Pero nung tanungin na ni Mayor Kois kung ano ang maibibigay nilang solusyon sa problema, biglang naging tahimik at wala nang sumagot. Ayun, uminit na ang ulo ng mayor dahil para siyang nakipag-usap sa hangin.
Dahil walang makapagbigay ng solusyon, si Mayor Kois na mismo ang nagbigay ng solusyon sa problema — papanagutin niya ang sinumang hepe kung saan ang mga JO na tauhan ay patuloy pa rin nagd-delay ag sahod.
Nung nakaraang administrasyon ay karaniwan na daw na umaabot ng anim na buwan ang delay sa suweldo ng mga JO.
Ngayon, sa panahon ni Mayor Kois, pinakamatagal na ang dalawang buwan na delay. Talaga namang malayo ang diperensiya pero para kay Mayor Kois, kahit pa napaikli nang husto ang delay ay delay pa rin ito, bagay na hindi katanggap-tanggap para sa kanya.
Dahil diyan ay bubusisiin daw niya ang mga papeles ng JO na dumadaan sa kanyang opisina at kapag nakita niya na may di makatarungang delay ay mananagot sa kanya ang hepe.
Hinihimok din niya ang mga JO na ‘wag mag-atubiling magreklamo sa kanya. Umaabot ng libo ang bilang ng mga JO sa City Hall.
‘Alam ko ang hirap ng walang madukot sa oras ng pangangailangan, pagkain sa araw-araw, pamasahe. Galing ako diyan. ‘Yang mga JO na ‘yan, kasa-kasama ko hanggang gabi, walang overtime pay. Naglilinis, nagpipintura at gumagawa ng mga trabahong mahirap gawin. Kakarampot lang ang suweldo made-delay pa,’ ani Mayor Kois.
Hindi daw matannggap ni Mayor Kois na silang mga opisyal ng lungsod ay sumasahod at kumakain nang nasa oras samantalang ang mga JO baka kailangan pang malubog sa utang o mangotong para lang me makain.
Makokonsensiya talaga si Mayor Kois dahil napagdaanan din niya ang sitwasyon ng mga JO. ‘Yun bang tipong wala kang makain kasi wala kang pambili ng pagkain. Kaya mainit ang ulo niya dahil may pinaghuhugutan talaga siya.
Kaya naman masuwerte ang mahihirap dahil galing din sa hirap ang mayor at tiyak na mauunwaan ang kalagayan nila.

***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close