Groundbreaking ng Lucena Fish Port Complex... GO SUPORTADO SEKTOR NG PANGISDA

INUPAKAN kahapon ni Senador “Bong” Go ang ilang indibidwal at mga negosyante na nagsasamantala ngayong nasa gitna ng kalamidad o pagsabog ng Bulkang Taal ang marami nating kababayang Filipino.
Nanawagan si Sen. Go sa bawat isa na isantabi muna ang pansariling interes at sa halip ay unahin ang pagtulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.
Pinakiusap din ng mambabatas ang publiko na manatiling kalmado at isiping mabuti kung ano ang mabuting magagawa para matulungan ang kapwa Filipino.
Nakarating sa kaalaman ng senador na maraming negosyante, partikular ang mga nagmamay-ari ng mga tindahan o groceries na biglang nagtaas ng presyo ng kanilang mga pangunahing paninda, tulad ng bigas, noodles at delata.
May mga botika rin o nagtitinda ng medical supplies na nagtaas ng halaga ng itinitindang N95 mask na aabot sa P200 ang bawat isa.
Ang iba naman ay nagtatago nito at naglalabas o nagbebenta lamang sa mga kostumer na may kakayahang bumili sa itinakda nilang napakamahal na presyo.
Ang N95 mask ang inirekomenda ng Department of Health (DOH) na gamitin ng lahat upang makaiwas sa pagkalanghap ng mapanganib na volcanic ash.
Sinabi ni Sen. Go na pinakilos na ni Pangulong Duterte ang Department of Trade and Industry (DTI) na magpakalat ng grupo na magmo-monitor sa presyo ng dust masks o ng N95 mask at huwag mangiming kasuhan ang mga “unscrupulous store owners” na nagsasamantala sa sitwasyon.
Ani Go, inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na resolbahin agad ang mga makikitang problema sa pagsabog ng Taal volcano.
Nag-aalala aniya ang Pangulo sa epekto ng Taal volcano eruption sa ekonomiya at kabuhayan ng marami nating kababayan.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *