Mga barko ng PCG pinadala na sa Middle East

Ipinadala na sa Middle East ang bago at pinakamalaking barko ng Phil. Coast Guard (PCG) para umalalay sa puwersahang pagpapauwi ng mga Pilipino doon.
Ito mismo ang kinumpirma ni PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, kung saan sinabi nito na nasa Middle East na ang BRP Gabriela Silang, ang pinakamalaking barko ng PCG na binili pa sa France.
Aniya, gagamitin ang barkong ito sakaling sumiklab ang gulo sa Gitnang Silangan.
Ipinagmalaki pa ni Balilo na mas mabilis ang BRP Gabriela Silang kumpara sa mga barko ng Coast Guard, kung saan mayroon pa itong mini hospital sa loob.
Gayunman, nilinaw naman ni Balilo na hindi dinisenyo ang naturang barko para magsakay ng maramihang pasahero at ito ay offshore patrol vessel lamang.
Matatandaang, sumiklab ang tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at ng Iran matapos na masawi ng Iranian top commander na si Qasem Soleimani sa airstrike ng Amerika noong January 3.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *