Mayor sa Rizal naka-motor na walang helmet, tinikitan

HUMINGI ng dispensa si Cainta, Rizal Mayor Johnielle “Kit” Nieto matapos masitang nagmo-motor na walang suot na helmet.
Sa inilabas na pahayag ni Nieto, todo ang paghingi niya ng “sorry” sa lahat ng nakasaksi sa kanyang pagmamaneho ng motorsiklo nang walang safety gear papunta sa isang simbahan para dumalo sa kasal. Wala aniyang rason para hindi ito bigyan ng tiket ng mga otoridad dahil maliwanag na paglabag ito sa batas.
Iginiit pa ng alkalde na dapat mas pinahalagahan niya ang pagsunod sa batas sa halip na pairalin ang kaniyang mga paniniwala.
Aniya, sa Lunes ay personal niyang kukunin ang traffic citation ticket sa Land Transportation Office (LTO) para harapin ang pagkakamali. Magtutungo rin siya sa tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para itanong kung dapat ba siyang dumaan sa anumang disciplinary action. Handa aniya siyang humarap sa anumang ilalabas na desisyon ng DILG.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *