MAYOR SA LANAO SUR INAMBUS; POLICE ESCORT, 2 SIBILYAN SUGATAN

MASUWERTENG nakaligtas si Masiu, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr. nang tambangan sa bayan ng Buadipuso Buntong, Lanao del Sur.
Sa ulat ng Provincial Police Office, galing ng Marawi City ang alkalde at patungo sa kanyang tanggapan nang pagbabarilin ang kanyang convoy bandang 10:00 Linggo ng umaga.
Sugatan ang tatlong escort ni Pangandaman kabilang ang isang pulis at da-lawang sibilyan na lulan ng hiwalay na sasakyan.
Kinilala ang nasugatang pulis na si Staff Sgt. Jabbar Romato na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tiyan, habang ang dalawang kasama nilang sibilyan ay sina Jamal Gabriel Pangandaman na tinamaan ng bala sa tuhod at si Casanoding Mangandog na tinamaan sa may puwitan.
Ang tatlong nasugatan ay naka-confine ngayon sa Amai Pakpak Medical Center.
Nakatakda sana pulungin ni Mayor Pangandaman ang Municipal Peace and Order Council nang mangyari ang pananambang.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close