Ipinaalam ng alkalde ng Naic, Cavite nitong Martes sa kaniyang mga kababayan na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa Facebook post, sinabi ni Mayor Junio Dualan, na Marso 18 nang magpa-swab test siya at positive ang naging resulta.
“After ng ilang tests at procedures ay ‘positive but in good condition’ po ang naging resulta kung kaya’t ako po ay pinayuhan na mag-strict self-quarantine,” anang alkalde.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Dualan na nag-self-quarantine matapos ianunsiyo ni Baliuag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella na positibo siya sa virus.
Dumalo umano ang dalawang alkalde sa isang general assembly ng mga lokal na opisyal sa bansa noong March 9 hanggang 11.
“Muli po hinihingi ko ang inyong pang-unawa at dasal,” saad ni Dualan.
“Sana po ay ating sundin ang mga guidelines ng gobyerno ukol sa enhanced community quarantine dahil ito naman po ay para din sa inyo at para sa lahat,” dagdag niya.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *