GRUPO NG BI SA ILALIM NI MANAHAN, SERYOSO SA TRABAHO

Maynila ang napili ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang pilot area sa ilulunsad na nationwide campaign na “Disiplina Muna”.
Lubos naman ang kasiyahan ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagkakapili ni DILG Secretary Eduardo Año sa Maynila bilang pilot area para sa nasabing kampanya at aniya, natutuwa siya at nagsilbing inspirasyon ang makabuluhang pagbabago na isinagawa niya sa Maynila.
‘What you’ve seen before in Manila… ‘yung mga programa.. sa tingin ko pag natupad nang maayos ng enforcers at mga halal ng bayan, tingin ko aaliwalas ang ating bansa,’ ayon kay Moreno.
Dagdag pa nya, ‘Isipin ano ba naiambag o partisipasyon natin as individuals. Napaka-basic. Kung anuman ngayon tanging epekto ng mga bagay na nangyari kahapon. So if we’re not happy let’s do something about it today.’
Para kay Moreno, napaka-elementarya lamang ang ginagawa ng Maynila pagdating sa governance.
‘Basic governance… maglinis, magpaaayos, magpatupad ng simpleng batas na ipinagkikibit-balikat lang na siyang nagbigay ng tumor na napakahirap gamutin ngayon,’ dagdag pa ni Moreno.
Kinikilala ni Moreno na malaking tulong sa kanyang tagumpay na nasa likod niya ang city councilors sa pangunguna ni Vice Mayor and Council presiding officer Honey Lacuna at ang 10,000 barangay officials at 20,000 barangay tanods sa tulong ng Liga ng Mga Barangay head Councilor Lei Lacuna, para maipaabot sa pinakamababang lebel ng lipunan ang kampanya sa pagsasaayos ng Maynila.
‘Mataas ang expectations sa atin (Manila) but if we fail which we are not worried about, I would rather that we fail while trying than not try at all,’ ani Moreno.
Bago niya, kinatawan ni Moreno ang Maynila bilang tanging Pilipino na nagging tagapagsalita sa International Forum on Air ng National Council on Climate and Air Quality na nakabase sa Seoul, South Korea.
Ang karangalang magbigay ng talumpati sa international community ay bunga ng imbitasyong ipinadala kay Moreno ni dating United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-moon, na dinaluhan ng mga kilalang international leaders gaya ng dating Prime Minister ng South Korea, China’s Minister of Environment, Mongolia’s Minister of Environment and Tourism at dating UN Sec Gen.
Ganyan na ngayon kasikat ang Maynila at ‘yan ay dahil sa kagalingang ipinakikita ni Mayor Kois. Sana lang, tigilan na ng mga kalaban niyasa pulitika ang sabotahe at tulungan na lang siyag magkaroon ng perpektong administrasyon.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *