May-ari ng P6.8m shabu sa water filters nalambat

TIMBOG ang dalawang suspek na may-ari ng package na naglalaman ng isang kilong shabu na inilagay sa loob ng water filters, Martes ng hapon sa isang sports bar sa Makati City.
Nakilala ang mga suspek na sina Edison Chua at Brian Bantegui.
Ayon sa report ni Port District Collector Carmelita ‘Mimel’ Talusan kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nadiskubre sa Fedex warehouse ang mga droga noong Nob. 6.
Inaresto ng magkasanib na otoridad ng PDEA, PNP at NAIA Inter Agency Task Force (NAIA-AITG) ang mga suspek matapos ang isinagawang physical examination sa water filters na pinaglagyan ng mga kontrabando at matunton ang mga suspek.
Napag-alaman na ang kontrabando ay nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Nakatakdang i-turn over sa PDEA ang kustodiya ng dalawang suspek at ng mga nakum-piskang mga ebidensya.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close