Matapos maghiwalay...Joshua at Julia obyus na nagkakailangan pa nang magkita

RAMDAM ng press  at bloggers ang  tensyon sa pagitan nina Julia Baretto at Joshua Garcia sa katatapos na media conference ng “Block Z,” ang unang movie ng dalawa matapos ang kontrobersyang kinaharap noong nakaraang taon.
Sa group picture taking palang at sitting arrangement ng cast members ay halatang pinaghiwalay na sina Joshua at Julia dahil pumagitna si Direk Mikhael Red sa dalawa.

Na-curious tuloy ang media kung okay na ba o hindi pa ang dalawa. Kaya lakas-loob na tinanong ng isang press kung kumusta na ang ex-lovers at ang working relationship nila?
“Okay naman kami! (sabay tingin kay Julia). Okay kami! (matagal na nanahimik si Joshua at inulit ang sagot na) and okay kami! Actually, noong nakita ko sya, eto personally, ano ko, na-miss ko rin sya! Ayun! (napa-Ahhh at kinilig ang ibang media).
“Kasi ang tagal naming hindi nagkasama. Na-busy sya, na busy ako,” sagot ni Joshua.
Eto naman ang reaksyon ni Julia, “We’re okay, thank you for asking. That’s one of the things that I’m super grateful for, that we make sure that the friendship will protect and will remain. Tama sya, the first time I saw him it felt familiar kumbaga, it’s a….. its a familiar place…it’s a comfortable place…it’s a safe place.”
Alam naman natin na it’s a reunion project ng loveteam na sina Maris Racal at McCoy de Leon at Julia at Joshua kaya naitanong din ng inyong StarsPhotog kung may aabangan bang love angle sa dalawang loveteam or may love triangle ba kahit horror film ito?
Bahagyang natawa sina Julia at Joshua pero nag- volunteer si Maris na sumagot.
“Ako na lang ang sasagot. Lahat naman ng movie hindi lang naman dapat action, meron ding emotion and love. For me yung love na makikita dito sa movie, yung love na may highest form. Hindi lang sya girlfriend-boyfriend love. Alam mo yung in a life and death situation, anong gagawin mo to save your loved ones.”
Kay Ms. Ina Raymundo, kumusta katrabaho uli ang JoshLia after a long time?
“Yes! Pangatlo na namin to, yung una, yung “Vince, Kath and James,” “Ngayon at Kailanman,” ngayon etong “Block Z.” Pero kami ni Julia, pang-4 na kami. Nakatulong yung pagsasama namin before ‘di ba para mag-reflect sa movie, yung familiarity, kaya yung barkada feels mapi-feel mo.”

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *