Irerekomenda kay PDU30, Tugade...GO: MOTORCYCLE TAXIS DAPAT MAGPATULOY

TINIYAK ni Senator at Senate committee on health chairman Christopher Lawrence “Bong” Go ang mas maayos na serbisyo sa mga pasyente sa mga ospital ng pamahalaan.
Ito’y matapos pangunahan ng senador ang pag-apruba sa komite ng House Bills (HB) Nos. 1799, 1477, 831, 2444, 5871 at 5870 maging sa Senate Bill (SB) No. 640 sa pagdinig ng Senado.
Ayon kay Go, personal niyang nakita ang pangangailangan na dapat nang maisaayos at mapabuti ang pasilidad ng mga ospital sa bansa sa kanyang pagbisita sa mga ito.
“Nakalulungkot po na kulang ang ating mga pasilidad at equipment para tugunan ang pangangailangang medikal ng mga Pilipino,” ani Go.
Naaawa ang senador sa mga pasyenteng Filipino kung kaya ginawa niyang prayoridad ang pagsasabatas ng Republic Act (RA) 11463, mas kilalang bilang Malasakit Center Act of 2019.
“Sa aking paglilibot po sa mga pampublikong ospital, kitang kita ang kaawa-awang kalagayan ng ating mga kababayan na may sakit,” aniya.
“Kaya nga po nauna na nating naisabatas ang Republic Act 11463 o Malasakit Centers Act para siguruhin na makatulong talaga ang gobyerno na bawasan ang bayarin nila sa ospital,” dagdag niya.
Kinokonsiderang landmark piece ng legislation, sa Malasakit Center Act of 2019, mandato nitong magtayo ng mga Malasakit Centers sa 73 ospitals na pinatatakbo ng Department of Health (DOH) sa iba’t ibang panig ng bansa maging sa Philippine General Hospital sa Maynila.
Ang Malasakit Center ay “one-stop shop” para sa mga pasyenteng nangangailangan ng financial at medical assistance sa pamamagitan ng paglagda sa iisang form ng apat na government agencies.
At batay sa datos ng DOH, kailangan din ng government hospitals ng karagdagang kama para sa mga pasyente.
“The country has a one is to 1,083 bed-to-population ratio. This is beyond the recommended ideal target ratio of one is to 1,000,” ani Go na nagsabing nangangailangan ang pamahalaan ng karagdagang 131,250 hospital beds para maabot ang target
“Currently, we have 88,394 beds or 67 percent of the target. In 2018, almost 65% of public hospitals were overcrowded,” dagdag niya.
“In light of the outbreak of the novel coronavirus, the readiness of our government hospitals to provide quality, available and efficient health services was highlighted,” Go stated.
“It is just timely that we discuss today measures that are aimed towards the improvement of our government hospitals,” anang mambabatas.
Ang mga panukala na inaprubahan ng komite ni Sen. Go para sa delibera-syon sa plenaryo ay ang sumusunod:
• HB 1799 – Renaming the Talisay District Hospital in Talisay City, Province of Cebu, into The Cebu South Medical Center;
• HB 1477 – Upgrading the Caraga Regional Hospital in Surigao City into a Tertiary Level Hospital, Increasing its Bed Capacity from One Hundred Fifty (150) to Five Hundred (500) Beds;
• HB 831 and SB 640 – Increasing the Bed Capacity of Bicol Medical Center in Naga City from Five Hundred (500) Beds to One Thousand (1000) Beds;
• HB 2444 – Establi-shing the Bicol Women’s and Children’s Hospital
• HB 5871 – Upgrading the Maria L. Eleazar District Hospital in the Municipality of Tagkawayan, Province of Quezon into a Level III General Hospital; and
• HB 5870 – Establishing the Senate President Neptali A. Gonzales General Hospital in Mandaluyong City.
“As I have said many times, pera nila ito, ibalik sa kanila sa pamamagitan ng mabilis, maayos, at maaasahang serbisyo mula sa gobyernong may malasakit,” ani Go.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *