Marijuana for sale online huli sa QC

ARESTADO ang tatlong lalaki sa buy-bust operation ng pulisya sa Bgy. Novaliches Proper, Quezon City, Huwebes ng gabi.
Ayon kay Lt. Elmer Rabana ng Kamuning Police Station, nalamang nagbebenta ng droga ang mga suspek gamit ang social media. Nagkasa ng buy-bust laban sa tatlo at nakuhaan ng 2 kilo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P240,000.
Pero kalaunan, isa sa mga suspek ang umaming may nakatago pang mga bloke ng marijuana sa nirerentahan ni-yang sasakyan.
Agad na nagkasa ng follow-up operation ang Kamuning Police at nakuha ang isang backpack na naglalaman ng 12 kilo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P1.4 milyon.
Ayon sa umaming suspek, napilitan siyang isuko ang mga droga dahil ayaw niyang ma-damay ang buntis na asawa.
Inaalam pa ng pulisya kung miyembro ang mga suspek ng isang malaking drug syndicate group dahil sa dami ng marijuana na nakumpiska mula sa kanila.
Nais ng pulisya na mahigpitan ang mga polisiya sa social media platforms dahil naga-gamit na ang mga ito sa iligal na transaksyon.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close