Maricel at Janella nagkasagupa sa horror film

MARAMING  Pinoy ang mahilig  sa horror movies, at kung kasing tapang niyo sila ay samahan silang manood ng “The Heiress” at talagang titili kayo at sisigaw sa mga eksena ni Maricel Soriano bilang si Auntie Luna, na sa pamamagitan ng barang ay pinatay nang brutal si Sunshine Cruz dahil ayaw pumayag na ipasa sa anak nitong si Guia(Janella Salvador) ang kapangyarihan ni Luna bilang mambabarang.
Yes, tatahi-tahimik ang character ni Maria pero buong pelikula ay mananakot siya. Ang tindi rin ng dating ng Mamalarang sa pelikula na nagtataglay ng bad spirit at kayang maniobrahin ang mambabarang na manakit o pumatay ng tao.
Mahusay din si McCoy de Leon bilang si Renz na love interest ni Janella. Ang pinaka highlight ng movie ay ang labanan o sagupaan nina Maricel at Janella at kung sino sa masama at mabuti ang siyang mananaig? Ay, panoorin niyo ang “The Heiress” na palabasna sa 180 cinemas nationwide.
‘Yung red carpet premiere nito sa SM Megamall Cinema 7 ay sinuportahan nina Arjo Atayde, Maja Salvador and boyfriend Rambo Nunez, etc.
Lahat din sila ay namangha sa movie na mas nakakatakot pa compared sa ibang Hollywood horror films. Ang husay ni Direk Frasco Mortiz, napanatili nito ang tatak Regal pagdating sa pagiging pioneer sa ganitong genre ng pelikula.

***
Recording Artist Gary Escobar, May Sinulat Na Kanta Kay Nora Aunor
Sa launching ng kanyang self-titled Album under Ivory Records, inamin ni Gari Escobar na bago siya nagtagumpay bilang negosyante at recording artist ay dumaan siya sa napakaraming ups and down sa buhay at naging inspirasyon niya sa pagko-compose ng mga awitin ang mga naging experience niya sa pag-ibig. “Bilang composer, gustung-gusto ko po gumawa ng kanta na nararamdaman ko talaga at na-experience yung mga sinusulat ko, dahil napakarami ko nang experience sa pag-ibig, kabiguan, kaligayahan, bawal na pag-ibig, naunsyaming pag-ibig… kaya diverse po ang tema ng mga nagagawa kong kanta. “May ilan din akong kanta na galing sa damdamin at story o experience ng ibang tao na malapit sa akin. Nakakasulat po ako ng kanta ng 5 to 15 minutes, kahit masaya ako at malungkot, kahit may kausap ako o habang nakikinig sa radyo,” sunud-sunod pang pahayag ni Gari na maganda ang PR sa press. Pinaka-idolo ni Gari sa ating mga singer ay si Nora Aunor at sa katunayan ay niyaya pa raw niya ng kasal noon ang Superstar.
Pumunta raw siya sa bahay ni Ate Guy sa East Greenhills at naka-coat and tie raw siya. Hayun, naging malapit sila sa isa’t isa ng actress at handog niya rito ang awiting “Habang Andito Pa Ako,” na included sa kanyang album kabilang na ang mga sumusunod: Dito Sa Piling Ko, Tama Na, From Friends to Lovers, Ayoko Na Sa’yo, Ayaw Kong Makita Ka, Hindi Ka Na Muling Mag-iisa, Isang Halik Pa, Masisisi Mo Ba, Lumaban Ka at “Baguio.” Yes, marami ang na-inlove sa song na ito ni Gari, isa na rito ang inyong columnist. Ang ganda kasi ng pagkaka-record niya at malaming ang boses kaya masarap pakinggan.

***
Silab (Apoy Sa Tagong Paraiso) Bagong Pelikula Ni Direk Reyno Oposa Na Intended Sa Cinemalaya 2020
DAHIL sa inspired ay nag-decide si Direk Reyno Oposa na unahing gawin ang pelikulang Silab(Apoy Sa Tagong Paraiso) na balak niyang isali sa Cinemalaya next year, 2020.
Na-inlove kasi si Direk Reyno sa storyline ng movie na sexy-drama kaya bago bumalik ng Canada ay nag-shooting na siya at ang buong cast ng bagong film.
Ang pinakabida niya rito ay sina JV Cain at Mia Aquino at parte rin ng cast sina Nina Barri, Lance Valderama, Bobby Tamayo, Celia Castillo at ang Best Actress sa Urduja Film Festival na si Elizabeth Luntayao. We heard na nag-aapoy ang sexy scenes sa movie pero knowing Direk Reyno ayaw niya ng bastos na pelikula kaya maingat siya sa kinukunang mga eksena. Kahit na hindi mga big star ang artista ng kaibigan naming director, ipinagmamalaki niya na mahusay umarte ang mga ito. Gagawin din soon ni Direk Reyno katuwang ang tatlong directors, ang pet movie project niyang Wild Butterflies na pagbibidahan naman ni Kurt Harris. Hoping si Direk na makapasok ang kanyang Silab sa Cinemalaya. Why not?
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close