PROTEKTADO SI GAMBLING OPERATOR ZALDY NG NBI AT CIDG

HINDI kasi umiikot ang alkalde ng Lungsod ng Taguig na si Mayor Lino Cayetano.
Kaya, maraming tao na hindi takot na gumawa ng kahit anong iligal o bawal sa Taguig.
Halimbawa, sa gilid ng harapan ng Dreamland Subdivision ay nanatili ang iligal na terminal ng mga taksi at pribadong sasakyang ginagawang pampublikong transportasyon.
Araw-araw mula umaga hanggang madaling araw ay nakabalandra ang mga taksi at pribadong sasakyan sa Dreamland Subdivision.
Tapos ang mga drayber na matatanda, pero walang mga modo!
Walang pinagkatadaan!
Nitong nakaraang linggo, mayroong tolda ng pamahalaang lokal sa kanto ng Libis Street na patungong SM – FTI.
Alam n’yo ba kung ano ang nakasilong sa tolda?
Drop ball at color games!
Hindi ko alam kung sino ang opereytor nito, ngunit ipinarating natin sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa Taguig ay makapal ang mukha at matatapang ang mga opereytor ng illegal gambling na ipinupuwesto sa mismong kalsada ang kanilang mga mesa at gamit sa iligal na sugal.
Ang kahabaan ng Meralco Road sa Brgy. Central Signal ay paradahan ng mga pribadong sasakyan, ng mga sasakyan ng mga nagnenegosyo, mga sasakyan ng J & T Express.
Madalas magkaroon ng trapik sa kanto ng MLQ Street at Pio Felipe, sapagkat hindi tuluy-tuloy na kumikilos ang Brgy. New Lower Bicutan laban sa mga nakaharang sa bangketa na pedicab, vendors at habal-habal.
Sa Brgy. Upper Bicutan na malapit sa Department of Science and Technology (DOST) ay mayroong terminal ng habal-habal, ngunit hindi kailanman hinuhuli ng mga pulis-NCRPO kahit mayroong ordinansang nagbabawal sa habal-habal sa Taguig.
Napakarami pang labag sa batas ang nagaganap sa Taguig na hindi mawawala hangga’t palpak ang alkalde ng lungsod na si Mayor Lino Cayetano, kapatid nina Speaker Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano.

TULUY-TULOY PA RIN COLOR GAMES
NI ALYAS MIKE SA LIBERTAD PASAY
NAPAKALAKAS ng loob ni alyas Mike sa patuloy na opera-syon ng kanyang pa-color games at pa-drop ball sa Libertad Street sa Lungsod ng Pasay.
Ang poste sa iligal na pasugalang malapit lamang sa dalawang himpilan ng pulisya sa Pasay ay si alyas Alvin.
Lantaran ang iligal na pasugal na gabi-gabi hanggang madaling araw dinudumog ng maraming tao, ngunit hindi kumikilos ang pulisya at pamahalaang lokal na ngayon ay pinamumunuan ni Mayor Emi Calixto – Rubiano.
***
Bukas ang kolum na ito sa inyong tawag at text sa: 0998 – 5650271

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *