Inatasan na rin ni Manila Mayor Isko Moreno na i-activate ang ang emergency operation centers ng lokal na pamahalaan at mag-abiso ng alerto kaugnay sa bagyong Tisoy.
Kasunod ng kautusan, naglabas naman ng ulat ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na ang evacuation centers sa Baseco at Delpan ay handa nang gamitin.
Bukod dito, nag-deploy na rin ng amphibian, 4×4 rescue trucks, rubber boat, aluminum boat, at barracuda boats na tutulong sa publiko sa kritikal na panahon.
Inalerto na rin ang rescue personnel na gumawa nang naangkop na aksyon sa pagtugon.
Alas-10:00 ng umaga nang mamataan ang bag-yong Tisoy sa layong 235 km east Southeast ng Virac, Catanduanes o 250 km east ng Juban, Sorsogon.
Dahil dito, agad na sinuspinde ni Moreno ang klase mula sa Preschool hanggang Senior High School sa lahat ng public at private schools sa Maynila dahil sa Signal Number 2 na itinaas sa Metro Manila.
Ayon naman kay MDRRMO Chief Director Arnel Angeles, patuloy ang monitoring sa sitwasyon ng pamahalaang lungsod sa preparasyon ng paparating na bagyo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close