Pinag-aaralan ng Malakanyang kung ipapatupad din ang travel ban sa Singapore.
Ito ang ginawang pahayag ni Presidential spokerperson Salvador Panelo sa press briefing sa Malakanyang.
“Hindi pa nga natin alam kung magkakaroon ng travel ban. Lahat ‘yan pinag-aaralan ni Presidente,” ani Panelo.
Napag-alaman na mas mataas ang bilang ng may COVID-19 sa Singapore kumpara sa Taiwan.
Sinabi ni Panelo na kaya raw may travel ban sa isang bansa dahil may infected cases ng COVID-19 kaya sila nag-iisyu nito.
“I don’t think na it depends on more or less. The fact is infected kaya may ban. Now whether eventually isasama sila, eh aantayin natin,” wika ni Panelo.
Aniya na binabase sa isang bansa kung marami na ang naapektuhan ng virus at isa pa tinitiyak nila ang kaligtasan ng mga Pinoy na naroroon.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *