Malakanyang kinondena ang pagsunog sa printing office ng tabloid company

KINONDENA ng Malakanyang ang pag-atake ng mga ‘di kilalang armadong lalaki sa planta ng Abante tabloid sa lungsod ng Parañaque.

Sinabi ni Presidential Spokeperson Salvador Panelo na iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Tinitiyak ni Pangulong Duterte na kanilang hahabulin at mananagot ang mga may kagagawan ng mga nasa likod.

Nauna nang inimbestigahan ni Presidential Task Force on Media Security Undersecretary Joel Egco na inatasan na siya nila Justice Secretary Menardo Guevarra at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Napag-alaman sa nasabing insidente na pinu-wersang sinalakay ng mga armadong lalaki ang printing office ng Abante kung saan may nasaktan na dalawang empleyado.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

6 thoughts on “Malakanyang kinondena ang pagsunog sa printing office ng tabloid company”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *