Malakanyang handang maka-trabaho sa gabinete si Robredo

Welcome sa Malakanyang ang ginawang desisyon na pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa pagkakatalaga niya bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) para matigil ang pagpatay sa mga inosente at mapanagot ang mga nasa likod ng pamamaslang.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinatunayan lamang ni Robredo na mas matalino siya kumpara sa kanyang mga kasamahan na una nang nagpayo sa kanya na huwag tanggapin ang pagiging drug czar.
Welcome aniya si Robredo na dumalo sa cabinet meeting sa Malakanyang.
“It’s always a good step forward for any public official who would want to help this country,” ani Panelo
Gayundin ay nakahanda ang administrasyong Duterte na magbigay ng tulong kay Robredo para sa kampanya ng iligal na droga.
Aniya kailangan na magkita o magharap sila ni Pangulong Duterte sa Malakanyang para malaman niya ang eksaktong hangganan ng kaniyang kapangyarihan bilang drug czar.
“All members of the Cabinet help each other. Let her do her job and we will be behind her,” ayon sa Palace spokesman.
Nauna nang itinalaga si Robredo ni Pangulong Duterte na naging hamon dito.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close