Inaresto ng kanilang mga kabaro ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong magwala at magputok ng baril sa loob ng kanilang istasyon dahil napagalitan umano ng kanilang hepe nang madatnan lasing ang mga ito sa Iloilo City.
Kinilala ang dalawang pulis na sina Police Patrolman Joerick Ace Ilisan at Police Corporal Esil Peñarubia, at kapwa nakadestino sa Pototan Municipal Police Station.
Ayon kay si P/Maj. Ronnie Brillo, hepe ng Pototan Municipal Police Station, nagsagawa siya ng surprise inspection sa istasyon na kanyang nasasakupan nang madatnan nito ang dalawa na hindi naka-uniporme at lasing .
Bilang hepe ng istasyon, pinagalitan niya ang mga ito, na ikinagalit umano nina Ilisan at Peñarubia, ikinasa umano ng mga suspek ang kanilang service firearm saka nagpaputok at pinagbantaan pa si Brillo na papatayin siya.
Kaagad naman humingi ng tulong si Brillo sa Special Weapons and Tactics ng Iloilo Police Provincial Office at dinakip ang dalawa saka ikinulong.
Nahaharap ngayon sa kasong grave threat at conduct unbecoming of a police officer Ilisan at Peñarubia.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *