PROTEKTADO SI GAMBLING OPERATOR ZALDY NG NBI AT CIDG

MAY katangian tayong mga Pilipino na walang pakialam at mahilig magkomentaryo.
Ngunit, hindi tayo kumikilos at nakikipagtulungan sa mga awtoridad.
Maling-mali ito.
Tanggalin na natin ang ganyang maling katangian, sapagkat tayo rin ang kawawa sa bandang huli.
Halimbawa, marami sa atin na nakakaalam kung sinu-sino ang tulak ng iligal na droga at sinu-sino rin ang adik sa ating mga barangay.
Ngunit, hindi tayo nagsusumbong sa pulisya upang trabahuin nila.
Kumilos tayo, magbigay ng impormasyon sa pulisya at sila na ang bahala.
Kapag hindi tayo kumilos laban sa mga drug pusher at adik, tiyak lalala ang sitwasyon at problema sa iligal na droga sa bawat barangay.
Maaaring mga anak ninyong babae ay gahasain at patayin tulad ng nangyari na sa ibang lugar.
Maaaring bukas o sa makalawa ay pagnakawan kayo dahil kailangan nila ng perang pambili ng shabu, marijuana, cocaine o ecstasy.
Tapos na ang krimen.
Nagahasa na at pinatay pa ang anak n’yo.
Pinagnakawan na kayo. Nawala na ang pinaghirapan ninyo nang ilang taon.
Bahagi kayo ng mga taong dapat sisihin, sapagkat nagsawalang-kibo kayo.
Hindi kayo nagbigay ng impormasyon sa pulisya hinggil sa alam o pinagdududahan ninyong mga tulak at adik.
Sana, lahat tayo ay maging espiya laban sa iligal na droga at maging sa mga iligal na sugal.
Sa buong Metro Manila, maraming residente ang nakakaalam kung saan-saan ang pugad ng mga adik, pasugalan at putahan, ngunit hindi natin isinusumbong sa pulisya.
Halimbawa, sa Baseco Compound ay hindi pa rin nasasawata ang talamak na bentahan ng shabu, kaya maraming adik sa lugar na ito.
Karamihan, kundi man lahat, sa mga adik na ito ay nagbababad sa mga video karera para magtrip.
Ang mga video karera rito ay hawak at kontrolado ng mga iskalawag na pulis.
Sa Pasay, talamak ang putahan, prostitusyon at human trafficking sa mga KTV Bar o club.
Maraming club sa Pasay sa Roxas Boulevard at F.B. Harrison na dinudumog ng mga dayuhan dahil sa sobrang babata ng mga babae rito, ngunit hindi kumikilos ang pulisya sa lungsod na ito.
Sino ba ang hepe ng pulisya sa Pasay ngayon?
Hindi ko na alam dahil si Col. Noel Flores ay nalipat na sa Lungsod ng Caloocan.
Lungsod kung saan napakatalamak din ng droga at sugal.
Ang dating hepe ng Caloocan na si Col. Restituto Arcangel ay ipinuwesto sa Lungsod ng Marikina.
Ang sinibak na hepe ng Marikina na si Col. Redrico Maranan ay itinalagang direktor ng Pangasinan.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *