Madugong kampanya vs mandarayang negosyante tiniyak ni Duterte

Madugong kampanya vs mandarayang negosyante tiniyak ni Duterte

Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na magiging madugo rin ang kaniyang kampanya sa paghahabol sa mga negosyanteng mandaraya at hindi maayos na nagbabayad ng buwis sa gobyerno.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na yayariin din niya ang mga mayayaman na gusto niya aniyang makitang nakakulong at makaranas ng mahirap na buhay.
Hahabulin aniya niya ang mga mayayamang negosyante para hindi na makapanloko ng iba.
Nakiusap ang pangulo sa mga negosyante na huwag na siyang pahirapan at sa halip ay ayusin na lamang ang pagnenegosyo sa bansa.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close