Luka-Luka sa NBA!

Bihira ang isang PBA star na babalik pa sa kanyang hometown upang doon na muli manirahan pagkatapos ng kanyang playing career.
Pero para kay Rey Evangelista ng Purefoods/Magnolia ay iyon ang tamang hakbang makalipas ang 15 ng pagiging manlalaro at 3 pa bilang assistant coach sa iisang prangkisa.
Nagsettle down siya muli kasama ang asawang si Aileen at kanilang kambal na sina Ashley Marie at Aaliyah Marie sa Ormoc sa Leyte kung saan siya isinilang at lumaki.
Maswerte tayo dahil nagkaroon tayo ng pagkakataon noong Miyerkules na makakwentuhan ang numero 7 ng TJ Hotdogs/Llamados.sa paggala natin sa kanyang siyudad.
Si Rey ay graduate ng Agribusiness sa Visayan State College of Agriculture. Dito ay varsity player ang 6’3 na forward at kampeon sila sa rehiyon.
Napadpad lang siya sa Maynila para maging bahagi University of Santo Tomas cage team sa UAAP.
Sa USTe rin siya natapos ng kanyang masteral.course. Pinsan niya mga Growling Tiger na sina Patrick at Raymond Fran kaya sa pamantasan sa Espana na rin siya napunta.
“Una kong balak mag tryout sa DLSU nguni’t mapilit ang pagyaya ni Patrick kaya naging magkakampi kami at pinalad noong 1991 na naka-sweep ng 14 games,” kwento ng 5x PBA All Star.
Sa Pontifical University ay naipamalas niya ang husay sa loob ng harfcourt at nakilala ang kaliwete bilang magaling na defensive cager at matindi rin sa perimeter shooting.
Nguni’t kahit sumikat na siya sa pro ay nanatiling mahiyain pero mabait na tao.
Ngayon may poultry siya bilang contract grower ng SMC at may 4 silang sangay ng The Generics Pharmacy sa lungsod na ang alkalde ay si Richard Gomez. Umalalay rin sa negosyong agri-supply ng kanyang tatang.
Naging pangulo rin siya ng Ormoc Chamber of Commerce at Lions Club. Tumutulong din ang nananatiling physically-fit na basketbolista sa sports program ni Goma.
Sa katunayan galing siya sa pulong ng sports committee sa city hall bago kami namasyal sa Lake Danao.
Nang tinanong natin ang No 2 over-all pick noong 1994 sa PBA Rookie Draft kung interesado siya sa
pulitika ay heto ang sagot.
“Mag-aambag na lamang ako ng oras, talento at kahit pondo upang maka-develop tayo ng mga atleta na pwedeng ipagmalaki,” paliwanag ng ama ng twin na babae.
“Dalawang beses na rin ako tumanggi sa mga alok na maging ka-ticket ng mga kumakandidatong mayor,” dagdag ng soft-spoken na retiradong basketeer.
Yung mga anak niya ay aktibo rin sa sports gaya ng 190 lbs na ka-birthday natin.
“Ang isa nasa archery at ang pangalawa ay nasa triathlon naman,” eka ng proud na tatay.
Kaya bilib ang mga taga-pondahan sa Ormocanon na sportsman-entrepreneur. Mabuting anak, asawa, ama at mamamayan
Mabuhay Rey Evangelista na may kapangalan pang obispo ng mga Katolikong Kristiyano!

***

LeBron just passed Kobe in the NBA all-time top scorers list last Sunday then several hours later Bryant passed away in a helicopter crash. Nakikiramay po kami.

  • 11
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    11
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *