LOWEST BIDDER NG NATIONAL ID PHASE 2 BLACK LISTED NA SA WORLD BANK! | Opinyon

DOST-NCR SCIENCE FAIR SA PASIG CITY!

Para sa kaalaman ng sambayanan, ang mga kompanyang nakipag-bidding sa murang halaga para panghawakan ang operasyon sa isinasagawang NATIONAL IDENTIFICATION SYSTEM PROGRAM ay BLACKLISTED na sa WORLD BANK, dahil sa iba’t bang katiwaliang kinasangkutan ng mga ito sa mga bansang kanilang nakuhanan ng mga proyekto.
Ang tinutukoy natin na mga kompanya ay ang IDEMIA at FMC na kapuwa nag-offer sa halagang P684 bilyon na sinasabing “DIVE BID” kumpara sa offer ng kanilang nakakompitensiya sa bidding na mga kompanyang NEC&LBLA na ang offer nito ay P1,016,782,288,000. Ang pumangalawa sa pinakamataas na offer ay ang GEMALTO at NEXTIX sa halagang P879,988,888,000. Ang sumunod na offer ay ang DERMALOG-MICROGEN-AIRSPEED sa halagang P877,999,816,000 na ito ang napaboran para pangasiwaan ang operasyon ng NATIONAL ID SYSTEM sa ating bansa.
Sa record ng WORLD BANK, ang kompanyang IDEMIA ay maraming pagkakataon na pala itong hinarang at may mga hinawakang proyekto na bigo naman nilang magampananan. Ang huling isyu laban sa IDEMIA ay noong taong 2017 nang mabuking ang kanilang malpractice na “CORRUPT AND COLLUSIVE PRACTICES sa bansang BANGLADESH. Bukod dito ay hindi na rin pala makakapag-transact ang kompanyang ito sa mga bansang FINLAND DENMARK at BURKINA FASO na “landlockeds country” sa WEST AFRICA.
Sa impormasyong nahagilap ng ARYA, ang IDEMIA ay bawal o hindi na maari pang makapag-transact sa WORLD BANK hanggang sa May 28, 2020.
Ang mga kompanya namang nasasangkot sa mga negatibong isyu ay ang GEMALTO at NEXTIX hinggil sa isyu naman ng SMARTMATIC PHILIPPINES AUTOMATED ELECTIONS.
Sa panunungkulan ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ay naibubulalas nito ang kaniyang pagdududa sa mga “LOWEST BIDDER” sa mga government project na aniya ay nagreresulta lamang sa mga substandard equipment o mga materyales na ginagamit sa mga imprastraktura.., siyempre pa, kung maliit ang budget sa anumang proyekto e siguradong ampaw ang pagkakagawa kasi iyon lang ang kasya sa budget.., kaya dapat lang na maging mahigpit ang ating mga opisyales na ipairal ang mataas na panuntunan sa lahat ng mga kompanyang nakakakuha ng mga government project.., sa gayon ay polido ang magiging resulta ng proyekto at hindi masasayang ang perang inilaan sa anumang proyekto!

***
Kung kayo po ay may mga puna o reklamo lalo na sa mga nababatikos ng ARYA ay maaari kayong mag-email sa irwincorpuz22@gmail.com para sa inyong panig o kaya ay magtext sa 09997806557.
  • 1.1K
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1.1K
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close