HINDI na umano nakayanan ng isang lolo ang kanyang karamdaman sa kanyang ari dahilan para tagpasin nito ang sariling bayag.
Kinilala ang biktimang si Romeo DeLeon, 74, residente ng Aklan.
Sa report, 7:00 ng umaga nang putulin ng biktima ang sarili nitong bayag sa loob ng kanyang barung-barong.
Nabatid na mag-isa lamang ang biktima sa kanyang bahay at wala itong asawa, at matagal na umanong iniinda ang kanyang luslos sa bayag.
Sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan sa intensive care unit sa Aklan Provincial Hospital ang biktima dahil sa kritikal nitong kondisyon.

Samar governor pumanaw
sa cardiac arrest

Samar – Namaalam na ang gobernadora ng Samar nitong Sabado dahil sa cardiac arrest.
Sa isang statement, sinabi ni Samar (2nd District) Rep. Sharee Ann Tan na ang kanyang 61-anyos na ina na si Governor Milagrosa Tan ay pumanaw 7:50 ng gabi sa St. Luke’s Medical Center Inc. sa Bonifacio Global City, Taguig.
“Her remains will be flown to Samar once weather conditions improve. The wake and interment schedule shall be announced in the coming days,” ayon sa mambabatas.
Kapiling ng gobernadora ang kanyang apat na anak bago ito tuluyang namaalam.
Nanalo si Milagrosa noong nakaraang eleksyon bilang gobernadora ng probinsya. Dati na siyang naging gobernor mula 2001 – 2010, at naging district represensative mula 2010 hanggang 2019.

Bangkay ng babae inihulog sa bangin

ISANG di pa nakikilalang katawan ng babae ang natagpuan sa may bangin na posibleng itinapon ng mga salarin, kahapon ng umaga sa Boundery ng Gen Trias at Bgy. Bunga, Tanza, Cavite.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang biktima na tinatayang nasa edad na 35 hanggang 40 anyos, may taas na 5’1”- 5’3”, may maayos na pangangatawan at nakasuot ng polkadots damit.
Sa ulat, 7:30 ng umaga nang madikubre ng ilang residente ang katawan ng biktima. Wasak ang mukha nito at hindi na makilala.
Hinihinilang binagsakan ng mabigat na bagay ang mukha ng biktima kung kaya nayupi ito at halos mapisak. (Irine Gascon)

Suspek sa pananambang sa brodkaster sa S. Kudarat hawak  na ng awtoridad

Sultan Kudarat – Kinumpirma ng pamilya ng nasawi na brodkaster na si Benjir Caballero na hawak na ng mga awtoridad ang suspek sa pananambang dito.
Maaalalang binaril at napatay si Caballero ng riding in tandem gamit ang kalibre.45 pistola habang naghihintay ng tricycle sa harap ng kanyang bahay sa Sampaguita Street, Tacurong City noong Oktubre 30.
Isang buwang naratay si Caballero sa Saint Louis Hospital sa Tacurong City bago pumanaw.
Nilinaw naman ng pamilya nito na hindi dahil sa pagkakabaril kay Caballero ang ikinamatay nito kundi problema sa baga.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at Presidential Task Force on Media and Security sa pangunguna ni Undersecretary Joel Egco.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close