Patay ang isang 74-anyos na babae matapos masunog ang kaniyang kubo sa bayan ng Narra, Palawan noong gabi ng Miyerkules.
Pasado 7:00 ng gabi nang maitawag sa mga tauhan ng lokal na Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa Sitio Mariwara, Barangay Princesa Urduja at nang makarating sa lugar naapula na rin ang apoy, ayon kay Senior Fire Officer 1 Annabel Medillen.
Sinubukan ng mga kapitbahay na apulahin ang apoy pero hindi na naisalba ang biktima, na mag-isang naninirahan sa kubo.
Ayon kay Medillen, posibleng nagmula ang sunog sa lamparang ginagamit ng biktima.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *