SOBRANG bilib si Liza Soberano sa bagong talent ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil.
Trending kasi ang ibinahaging video ng magkasintahan kaugnay ng pagme-makeup ng aktor sa kanyang girlfriend.
Sa video na may pamagat na Boyfriend Does Make Up with Liza Soberano, ipinakita ni Quen ang kanyang makeup skills sa pagpapaganda kay Liza sa kuwarto ng kanyang kapatid na si Andi.
“Just a disclaimer, I am not a professional. I don’t have an idea what I’m doing but we’re gonna have fun,” ani Enrique.
Hirit pa niya, nag-enjoy daw sila ni Liza habang kinukunan ang naturang video.
“We had a lot of fun filming this video. We hope you guys like it and we also hope you guys can enjoy this video with your family at home during this time,” dugtong niya.
Nakakuha naman siya ng thumbs up kay Liza sa ginawa niyang pag-aayos dito.
“I think I did a pretty good job on Liza’s makeup,” pahayag ni Quen.
Paliwanag pa niya, ginagawa raw nila iyon para mapasaya ang kanilang fans at followers at maibsan ang nararamdamang pagkabagot sa bahay ng pamilyang Pilipino sa panahong dumadaan ito sa matinding krisis dala ng CoVid19 outbreak.
“What is happening to the world right now is no joke and we wanted to help you guys in staying home more. We will try our best to create more content for you guys in this time in hopes that we cure some people’s boredom and make them enjoy staying at home.Take care. Always remember to be safe. Stay clean and wash your hands frequently. Let us get through this. We can do it together,” ani Enrique.
Nangako naman ang LizQuen na patuloy na magbibigay ng makabuluhang content sa kanilang YouTube channel.

  • 7
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    7
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *