Lider ng LP full support kay VP Leni sa ICAD

SUPORTADO ng lider ng Liberal Party na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang naging desisyon ni Vice President Leni Robredo na tanggapin ang posisyon na itinalaga ng pangulo sa kanya bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs..
Ayon kay Pangilinan, maliwanag na ang pagtanggap ng bise presidente sa posisyon ay bilang tugon na tututulan ang araw-araw na patayan, papanagutin ang ninja cops, at habulin ang mga sindikato ng droga at ang mga kasabwat na nasa likod ng pagpapalusot ng tone-toneladang shabu sa BoC.
Sinabi ng senador na sa kabila na kuwestiyunable ang motibo at sinseridad ng Malacañang sa pag-alok sa nasabing pwesto, walang duda si Pangilinan sa sinseridad ni Robredo na hanapan ng tunay na solusyon ang problema sa iligal na droga sa bansa.
Ani Pangilinan, ang pagtanggap sa hamon ni Robredo ay pagpapatunay lamang na mas matimbang sa bise presidente ang mga mahihirap na kababayan na target ng madugong war on drugs.
Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa taumbayan na suportahan si Robredo sa mapanganib na pagsubok laban sa droga.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close