Patay ang isang lider ng kidnapping group nang ma-kipagbarilan sa mga otoridad sa isinagawang operation sa Kabankalan City, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang suspek na si Ricar Loberas y Magbanua, legal age, ng Brgy. Tampalon Kabankalan City, Negros Occidental.
Ayon sa ulat, 4:00 ng mada-ling araw ng magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng AKG Special Operation Unit, 2nd Negros Occidental Police Provincial Mobile Force Coy sa Brgy Tampalon Kabankalan City, Negros Occidental.
Mahahain ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Rodney Z Magbanua, Judge of Br. 61, RTC, 6th Judicial Region, Kabankalan City, Negros Occidenral ang mga operatiba laban kay Loberas.
Nàng mamataan ni Loberas ang paparating na mga operatiba agad pinaputukan ito ng suspek dahilan upang gumanti ng putok ang mga otoridad.
Matapos ang ilang minutong palitan ng putok, napatay ng mga operatiba ang suspek.
Si Ricar Loberas, nabilango sa New Bilibid Prison sa Muntilupa at nang makalaya bumuo ng sa-riling grupo na nagsagawa ng kidnapping at iba pang mga iligal na aktibidades sa iba’t ibang lugar sa Negros Occidental.
Ang suspek ang siyang mastemind sa pagkidnap sa isang Anna Mae at matapos na magbayad ng ransom ng pamilya pinakawalan ito. Hindi naman naghain o nagreklamo ang pa-milya ng bikitma sa takot na balikan ng nasabing grupo.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *