Tatlumpu’t anim na magsing-irog na Navoteño ang ikinasal sa libreng civil wedding na inihandog ng pamahalaang lungsod ng Navotas.
Ang Kasalang Bayan, na regular na isinasagawa tuwing Araw ng mga Puso at anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas, ay naghahangad na gawing legal ang pagsasama ng mga mag-partner.
“Karamihan sa inyo ay nagsasama na nang higit limang taon. Anuman ang sikreto n’yo para mapanatili ang inyong relasyon, ingatan n’yo. Nawa mas mapagtitibay at mas mapasasaya ng seremonyas na ito ang inyong samahan,” saad ni Mayor Toby Tiangco.
Samantala, sinabi ni Cong. John Rey Tiangco sa mga bagong kasal na may mga serbisyo at programa ang pamahalaang lungsod na makatutulong para magkaroon ng maayos na buhay ang kanilang pamilya.
“Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang matatag na mga pamilya ang bumubuo sa maayos na mga komunidad. Kaya naman binibigyang prayoridad ng ating pamahalaan ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat pamilyang Navoteño,” aniya.
Maliban Kasalang Bayan, may iba pang mga aktibidad na isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Kabilang dito ang pamimigay ng cookies sa mga kawani ng city hall; paghaharana sa mga opisina; speed dating at libreng dinner date para sa mga kwalipikadong kalahok; at Kalye Pag-ibig food bazaar.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *