BINALAAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang ilang pulis na may hawak ng video karera sa Herbosa, Tondo.
Sa kanyang ‘Capital Report’, sinabi ni Moreno na sinisira ng mga ito ang kinabukasan ng mga estudyante dahil katabi aniya ng eskuwelahan ang nasabing VK.
Diyan aniya nangyayari ang biyahe o ang tinatawag na bilihan ng iligal na droga sa puwesto ng mga VK.
Paliwanag pa ng alkalde, kapag siya ang nagbabala, dinadaan niya sa diplomasya.
Patungkol pa sa nasabing mga pulis na kapag binalaan sila ng alkalde, inabisuhan o pinaalalahanan, may panahon pa sila na ihinto ang iligal nilang gawain at bininigyan pa sila ng pagkaka-taon.
“Walang tolonggesan, pare-pareho tayong taga Tondo eh,” ayon pa sa alkalde.
Matatandaan na mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaang lungsod ang mga iligal na aktibidad sa Maynila kungsaan marami ring VK ang nakumpiska at winasak sa Manila City Hall sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *