Let’s Get Ready to Rumble!

All-Star weekend na sa National Basketball Association (NBA) at sa ikalawang sunod na taon ay sina LeBron James ng Los Angeles Lakers at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ang bibida sa maghaharap na koponan.
Mula nang pinaghalo ang East at West All-Stars ay laging isa si LeBron sa team captains sa bisa ng pagiging top vote getter sa kanyang conference.
Noong 2018 ay tinalo ng Team LeBron ang Team Steph ni Stephen Curry ng Golden State Warriors at last year ay nanaig din ang Team LeBron sa Team Giannis.
May bagong format ngayon ang All-Star Game bilang pag-alala sa yumaong basketball icon na si Kobe Bryant. Wala na ngayong minimum or maximum time sa fourth quarter. Sa halip ay magkakaroon ng target na puntos ang mga koponan para manalo.
Under the new format, kailangang umiskor ng 24 points ng leading team after three quarters para sila ang magwagi. Kunwari ay 100 ang iskor ng leading team, kailangan nila maka-124 para manalo. Kung 90 naman ang iskor ng naghahabol na koponan, kailangan nila maka-34 bago maka-24 ang leading team para manalo.
Of course, 24 is Kobe’s jersey number kaya naisipan nila ang ganitong format.
May element ng larong kanto ang format na ito kaya interesado tayong Makita kung ano ang magiging resulta. Sa mga larong kanto kasi ay may target na puntos para manalo.
Wala na ngayong oras na fourth quarter maliban sa shot clock. Ibig sabihin, hindi puwedeng pumatay lang ng oras ang leading team.
Sina LeBron at Giannis din ang leading MVP contenders ngayong season at ang respective teams nila ang nangunguna sa kanilang conference kaya malamang na seseryosohin ng mga ito ang laban.
Umaasa tayo na magiging mas competitive ngayon ang All-Star Game under the new format.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *