2-way player!

6-1 na rekord ng Lakers sa NBA habang sinusulat ang pitak na ito. The best yan sa buong liga.
Matapas talunin ng Clippers sa kanilang unang game ay anim na koponan ang sunud-sunod nilang pinadapa. Ito ay ang Utah, Charlotte, Memphis, Dallas, San Antonio at Chicago.
Siyempre nagbida sina LeBron James at Anthony Davis sa mga panalo ng LA.
Pinatunayan ng Bron at Brow na tandem na talagang matindi kanilang kumbinasyon. Mahirap pigilan ang magparkner sa opensa. Si James 3 ang triple double habang si Davis madalas ay double-double naman.
Nandiyan din kanilang depensa lalo na sa painted area sa pangunguna nina Dwight Howard at JaVale McGee.
Nagagawan din ng mga adjustment ni Coach Frank Vogel ang ano man pagkukulang nila.
Halimbawa ay itong game kontra Bulls. Aba’y umabot sa 18 puntos kalamangan ng Chicago at double digit pa rin sa dulo ng 3rd Q. Pero isang 16-0 run ang pinakawalan ng Lakers sa simula ng 4th at tinuloy-tuloy na hanggang final buzzer. Nag-improve din kanilang interior defense sa huling yugto. Tapos naisalba pa nila via overtime ang laro vs Dallas.
Kahit inconsistent pa ang mga shooter ay mga dalawa naman kada laban ang nagpapakitang gilas. Nandiyan sina Danny Green at Avery Bradley, sina Kyle Kuzma at Kentavious Caldwell-Pope at pati sina Quinn Cook at Troy Daniels.
Ngayon makakatunggali nila ang Miami Heat (5-2) sa Staples Center. Tingnan natin kung makaakyat sila sa 7-1.

***
Nabasa lang natin sa Facebook- Kaya raw kaya ni Pastor Apollo Quiboloy na ipahinto ang mga winning streak ng San Beda sa NCAA at ng Ateneo sa UAAP? Hehe!
Dangkasi’y ipinagmamalaki ni PAQ na siya ang “appointed son of God” at may-ari ng earth. Nito nga raw lumindol ay pinatigil ito. Sabi raw ng spiritual adviser ni PiDuts sa earthquake ay STOP at natapos daw ang pagyanig. Hahaha!
Umaasa siguro ang mga katatapat ng Red Lions at Blue Eagles sa finals na maging realidad ito. Hehehe.

***
Namimiligro ang grand slam ng San Miguel Beer dahil sa injury ng kanilang import na si Dez Wells. Plano raw palitan ng Beermen si Wells ni John Holland na dating Cavalier. Abangan.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close