Metro Cops Tinalaga sa Bilibid

As lawmakers, our job is to listen to our constituents. If our phones are ringing off the hook with people demanding to know where we stand on an issue, we pay attention.
— US Senator Chris Murphy

PASAKALYE:
Tunay na malaking usapin ang mga ulat ukol sa suicide bombing na kinasangkutan ng isa nating kababayan sa Indanan, Sulu kamakailan.
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isa sa dalawang suicide bomber ay isa ngang Filipino at kinilala, sa pamamagitan ng DNA, na si NORMAN LASUCA, 23 taong gulang.
Sinabi ng mga awtoridad na siya ang kauna-unahang kumpirmadong Pinoy na suicide bomber.
Ayon naman kay presidential spokesperson Atty. SALVADOR PANELO, ang ginawa ni Lasuca ay bagay na laban sa karakter nating mga Pinoy.
Ang totoo, sang-ayon tayo sa kaibigan nating abogado dahil tunay ngang salungat sa pag-uugali natin ang pagpapakamatay sa ngalan ng ‘terorismo’.
At upang maharap ang ganitong uri ng kaganapan, kailangan tayong maging mapagmatiyag at kailan ma’y hindi dapat na maimpluwensyahan ng mga dayuhang ideolohiya na sumisira sa ating pagka-Pilipino na para bang kalawang sa bakal.

* * *
IYA’Y neophyte congressman pa lang subalit hindi pa nga nag-iinit ang kanyang puwet sa bagong posisyon sa Kongreso, lumilitaw na ang kaibigan nating lawmaker ay isa rin palang lawbreaker.
Ngayo’y nahaharap si Ang Probinsyano party-list representative ALFRED DE LOS SANTOS sa malaking kontrobersiya makaraang tangkaing suntukin ang isang service staff worker ng popular chain restaurant sa Legazpi City sa Albay.
Ayon sa police blotter, tinangka niyang suntukin ang 20-anyos na si CHRISTIAN KENT ALEJO, na empleyado sa Biggs Diner sa Old Albay district, “nang walang anumang sapat na dahilan.” Isinalaysay sa blotter na “masuwerteng naiwasan” ng waiter ang suntok, dangan nga lang ay nakunan sa CCTV ang insidente at ang video nito’y nag-viral simula nang ma-post noong Hulyo 8.
Makikita sa video, si Alejo na nakasuot ng asul na t-shirt, asul na cap at apron habang palapit sa apat na kalalakihang nakaupo sa isang mesa. May ibinigay siya sa isang lalaking naka-itim, na sinasabing si De Los Santos, bago pumihit para iwan ang grupo.
Subalit tinawag siya ng isa sa mga lalaking kostumer at nagkapalitan sila ng pananalita bago inambahan siya ng suntok ng lalaking naka-itim.
Nakakalungkot isipin na ang isang katulad ni De Los Santos ay magpakita ng ganitong pag-uugali sa harap ng public at tinangka pang manakit sa masasabing isa sa mga taong pinangakuhan niyang pagsisilbihan bilang kongresista at mambabatas.

* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *