Patay na nang matagpuan ng mga pulis madaling araw ng Huwebes ang lalaking suspek sa panununog sa dalawang taong gulang na bata sa Lanao del Norte.
Sa palikuran ng custodial facility ng Maigo Municipal Police Station nadiskubre ang wala nang buhay na si Florencio Bacubal.
Ayon kay Police Lieutenant Baltazar Deguilmo, officer-in-charge ng Maigo MPS, ginamit ni Bacubal ang sling ng bag na pinaglagyan ng kaniyang mga damit na dala ng dumalaw ni-yang anak.
Si Bacubal, kinasuhan ng murder in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law dahil sa panununog sa batang lalaki sa Purok 7, Barangay Sigapod noong Linggo ng gabi.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *