Lacson silip ang P4-B cut sa P20-B calamity fund

IBINUNYAG ni Senador Panfilo Lacson na mayroon umanong ginawang last minute insertions ang House of Representatives sa ginawang pag-apruba ng Bicameral Conference Committee sa panukalang P4.1 trillion national budget para sa taong 2020 kahapon.
Ayon kay Lacson, aabot sa P83 bilyong halaga ng proyekto ang House insertions o mas mataas pa.
“It is revolting to note that legislators keep on dipping their dirty fingers on our national budget in spite of pending cases involving the same issue,” wika ni Lacson.
Nabatid na hindi dumalo si Lacson sa naturang bicameral meeting.
Isa pa umanong dahilan ng senador ay nakatanggap ang kanyang opisina ng USB na mayroong dalawang files na “Source” file at “List” file mula sa Kamara, Martes ng gabi.
“Our preliminary scrutiny of the last minute insertions made by the House would indicate that the Source File is the list of 1,253 budget items worth P83.219B that was apparently used as the congressmen’s ‘source’ of their ‘list’ of 742 projects worth P16.345B that were inserted in the bicam report that was signed by both panels this morning,” sabi ni Lacson.
“Since there is no preliminary explanation from the House regarding the 2 Files, we cannot ascertain if indeed only P16.345B or the bigger amount of P83.219B was inserted at the last minute prior to the bicam signing… What is clear though is that there are still lump sums and vaguely described projects that are now part of the bicam report,” pahayag ng senador.
Ayon pa kay Lacson, batay sa inisyal na pagsisiyasat lumilitaw na ang nangungunang mga lalawigan na may malaking alokasyon ay ang Albay – P670M; Cavite – P580M; Sorsogon – P570M; Batangas- P502M; Bulacan – P440M; Pangasinan – P420M at Cebu – P410M.
Isiniwalat din ni Lacson na 117 na flood control projects na nagkakahalaga ng P3.179 bilyon ang diumano’y may isinagawang pagsingit kung saan kasama ang walong mga proyekto na may badyet na P60 milyon bawat isa.
“There are more corruption-driven insertions in the Files sent to us that I have not mentioned. Thus, we will continue to diligently scrutinize it and inform the Department of Budget and Management and the Office of the President, as I have high hopes that President Rodrigo Duterte will again display his aversion to corruption,” giit pa ni Lacson.
“Pork is here to stay. I hope the President will again exercise his political will in vetoing line items that will obviously waste people’s tax money,” dagdag pa ng senador. (Mylene Alfonso)

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *