Luka-Luka sa NBA!

Pinabulaanan ni Greg Slaugther na umiiwas siya na ma-trade ng Ginebra kaya hindi siya pumirma ng bagong kontrata dito.
Hinayag ito mismo ng 7-footer na Fil-Am sa kanyang tweeter account. Sinalungat nito ang tsismis kaya lumiban muna ang tubong Cleveland, Ohio sa PBA ay upang hindi mapamigay ng kanyang koponan sa nakalipas na anim na taon.
Ni wala nga raw siyang alam sa balitang ipagpapalit siya sa Fil-German na si Christian Standhardinger na nasa poder na ng Northport.
Kaso may umugong na usapan na ganoon nguni’t nabisto naman daw ng kampo ni Slaughter kaya naging ganire ang kanilang reaksyon. Magpapahinga raw sandali sa basketball ang kasabayan ni JuneMar Fajardo sa collegiate league sa Cebu.
Magmumuni-muni raw. Pero posible rin magretiro na.
Nitong 2019 ay nabawasan ang mga minuto ng numero unong pick noong 2013 na malamang hindi rin nagustuhan ng mga adviser niya.
Ayon kay Tata Selo ay kahit paso na ang agreement ng dalawang panig ay mananatili ang right kay Greg sa Gin Kings.
Dagdag pa ni Tatang na walang lusot ang produkto ng Ateneo de Manila at University of the Visayas na matanggal ang hawak sa kanya ng pinakasikat na ballclub sa buong bansa.
Diumano’y sa team lang ni Coach Tim Cone nais maglaro ng matagal na ring big man ng Gilas Pilipinas. Kaso ganyan ang buhay sa PBA. Dati nagreklamo sina Robert Jaworski at ang buddy niyang si Francis Arnaiz na tila mga por kilo silang baboy kung ituring ng mga may-ari at mga namamahala sa pro league.
Sana bago magbukas ang bagong season ng liga ay maayos ang gusot na ito.

***

Kung iwas-pusoy si Slaughter ay lalong palaban naman ang kababayan niya sa Ohio na si LeBron James sa bahaging ito ng NBA. Gumawa ng ika-12 na triple double si LBJ sa overtime na panalo nila sa karibal sa Western Conference na Denver. Mayroong siyang naitala na 32 points, 14 assists at 12 rebounds.
Batid ng number 23 ng Lakers na magandang pagkakataon na maisara nila ang kartada sa W bago ang All-Star break.
Higit din na mahalaga na ang Nuggets ang talunin nila dahil ikalawa ito sa kanila sa standings. Apat na game na behind sina Nikola Jokic sa kanila.
“I always try to stay laser-sharp in every game and the win was a crucial one for us,” pahayag ng superstar mula Akron, Ohio.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *