Para kanino ang jeepney modernization program?

Ano man ang motibo sa pagkakapaslang sa ating kabaro na si Dumaguete broadcast commentator and blocktimer Mercedario “Dindo” Generoso, ating binibigyang pugay at pagkilala ang Negros Oriental Police Provincial Office sa pamumuno ni Col. Julian Entoma, sa maagang pagkakadakip sa dalawang suspek habang punaghahanap pa ang dalawa pa.
Ayon kay Col. Entoma kasong murder ay agad nilang naisampa noong Biyernes (Novemeber 8,2019) laban kina Teddy Reyes Salaw, 44, ng Lower Batinguel, Dumaguete; Glenn Mariño Corsame, ng San Jose Village, Barangay Banilad, Dumaguete; Roger Rubio, ng Guihulngan City, Negros Oriental at Tomasino Aledro, ng Block 4 Lot 1, Azumi Subdivision, Barangay Batinguel, Dumaguete City.
Sila Salaw at Corsame, ay mga retirado ng mga pulis na ngayon ay nasa kustodiya na ng kanilang mga kabaro, ilang oras matapos mangyari ang pamamaslang kay Generoso sa Barangay Piapi noong Huwebes (November 7,2019).
Si Rubio, ang di umanong gun man ay isang police corporal na naka-assign sa 2nd Provincial Mobile Force Company, ay kasalukuyan pang pinaghahanap.
Samantalang si Aledro ay napasama rin sa kasong murder bilang nagmamay-ari ng silver Mitsubishi Strada pick-up truck na minamaneho ni Salaw at ginamit ang sasakyan noong araw ng paslangin si Generoso.
Ang sabi ni Col. Entoma si Aledro ay pinaghahanap din at maaaring sumuko upang ipaliwanag kung talagang mayroon siyang partisipasyon sa krimen.
Agad naman naming kinundina ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpatay kay Generoso at inatasan ang Negros Oriental Police Provincial Office na magsagawa ng agarang imbestigasyon at tugisin ang mga salarin.
Sa kuha ng CCTV camera sa City Hall, nakitang si Rubio ay bumaba sa pick-up truck matapos itong pumarada sa Rizal Boulevard at lumipat sa isang motorsiklo na minamaneho naman ni Corsame na siyang bumuntot kay Generoso hanggang sa Barangay Piapi kung saan siya ay pinaslang.
Ang kasong murder ay naisampa na kay City Prosecutor Oscar Bokingkito ayon kay Entoma.
Kaya ating pinupuri ang Negros Oriental Police Provincial Office sa pangunguna ni Col. Entoma, maging ang mga operatiba at imbestigador ng PTFoMS sa agaran nilang koordinasyon at pagtugis at paghuli sa mga salarin. Kudos sa inyong maagap na pagkilos sa krimeng ito.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *