Kris gradweyt na sa pagpatol sa bashers

WALANG  problema na  ngayon kay Kris Aquino kung hindi na siya “irrelevant” tulad ng comment ng isang netizen sa kanyang Instagram page. Sabi ay hindi na raw worth ng kanyang health kung mananatili pa siyang magpaka-relevant.
“I hope u can stll able to gain ur former status. Madam as the country`s premiere endorser. It seems like u r slowly fading into the shadow of irrelevance huhu labyu madam though. “Don’t get me wrong, Magpasabog ka uli madam,” comment ng netizen.
Ang sagot naman ni Kris,
“I`m pretty chill about becoming “irrelevant” because the price to pay fighting to stay relevant wasn’t worth my health or my peace of mind..
“So many have told me, “you have enough (in the material sense) and my sons are in no danger of going hungry – so I was working hard because I was protecting something that now seems much less important – my ego..
“ I worked too many days when I should`ve actually been listening to my body all because of the mistaken notion that protecting work commitment meant more than prioritizing my wellnest.
“Sorry walang “pasabog” coming soon – I have outgrown that it took so much prayer for me to be at peace with who I am & where I am – I realize you wanted to upset me BUT graduate na ko sa ganitong klaseng pailalim na “bullying”
“I hope before you “worry” about my professional standing, you`ll ask yourself why there seems to be little of interest in your life that you`re making mine your problem?”
Marami ang natuwa at pinuri ng followers ang naging sagot ni Kris at pati na ang subtle na pagtataray niya sa basher.

***
PAGDATING sa kabaliwan ay wala na yatang tatalo kay Solenn Heussaff. Mantakin mo na kahit malapit na siyang manganak ay todo giling at pagkadyot sa pagsasayaw na akala mo ay walang dinadalang sanggol sa sinapupunan.
Kahit delikado ang pinaggagawa ni Solenn ay marami namang netizens ang naaliw sa ipinost niyang hindi aakalain na gagawin ng isang buntis.
Makikita sa pinost niyang video na nakasuot lang siya ng top bra at pajama habang nakalabas ang kanyang malaking tiyan.
Sa umpisa ng video ay makikitang umiindak lang si Solenn. Hanggang unti-unti bumibilis ang kanyang pag-indak na kaunting pagkakamali ng malikot niyang paggalaw ay baka biglang sumakit ang kanyang tiyan at mapaanak nang wala pa sa oras.
Gumigiling ito at nag-head throw pa sa pagsasayaw. Hindi pa nakuntento dahil umupo pa ito sa gilid ng sopa at saka pinaikot nang pinaikot ang kanyang ulo.
Pagkatapos ay lumipat pa siya sa ibabaw ng kama para magtutuwad.
Sa mga nakapanood ng video ay nailabas pa sa 24 Oras, marami ang hindi makapaniwala na magagawa yun ng isang buntis.
Sa isip naman ng iba ay baka raw ayaw pa magkaroon ng anak ni Solenn dahil sa pinaggagawa niya kahit malapit na siyang manganak.
Samantalang mayroon din naman hindi kumontra sa ginawa ni Solenn, lalo na sa mga nanay na makakabuti raw ito para hindi mahirapan sa panganganak ang actress at para madaling lumabas ang bata sa kanyang sinapupunan.
Maaring may nagsabi o payo kay Solenn na mas mabuti sa isang buntis ang mag-exercise, lalo na kapag malapit nang manganak.
Sa caption kasi ni Solenn ay apat na linggo na lang ay nakatakda na siyang manganak.
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close