Kotse kinaladkad ng train, bebot lasog | Provincial News

NASAWI ang isang babae matapos mabangga at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang sinasakyan nilang kotse sa Biñan, Laguna, gabi ng Sabado.
Sakay ng Toyota Altis sina Joel Pablo, 28; at Mary Anne Valenzuela, 21, at patawid ng Halang crossing ng PNR nang mabangga ng tren ang sinasakyan nilang kotse.
Inabot ng 7 oras bago maalis sa sasakyan ang katawan nina Valenzuela na idineklarang dead on arrival sa ospital, at si Pablo naman ay nananatili parin sa ospital dahil sa mga injury.
Nahaharap sa kasong ‘reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries’ sina Ryan Arias at Jay Constantino, ang mga driver ng tren.
Iginiit naman ni PNR Operations Manager Joseline Geronimo na may cross keeper na naka-duty nang mangyari ang insidente pero pinilit daw ng mga biktima na tawirin ang riles kahit may warning signal na mula sa PNR train.
Nakatakdang isailalim sa rehabilitation ang Halang crossing, na tatayuan ng mga fence at karagdagang signage, ani Geronimo.
Tiniyak ng pamunuan ng PNR na tutulungan nila ang pamilya ng mga biktima.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close