ILEGALISTA, SA ALAMINOS, LAGUNA UMAALMA!

MAKABAWI pa kaya si newly-appointed QCPD Chief, Col. Ronnie Montejo sa patuloy na pagguho ng kanyang kredebilidad dahil sa protection racket o kolektong activity ni “Jesus Richard”?
Si “ Jesus Richard” na bantog din sa taguring “Jessie ay siyang pinangalanan ng ating police insider na nangongolekta ng lingguhang tong, intelhencia, tongpats, suhol, tara o lagay para sa isang QCPD top brass at sa big boss nito, na nakabase naman sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Hindi muna natin babanggitin ang mga pangalan ng hinayupak na amo ni “Jesus Richard”. Nasalo na yata nitong si “Jesus Richard ang lahat na kasamaan nang magsabog ng lagim si Satanas sa daigdig, mula sa kinalalagyan nitong impyerno.
Ngunit walang aksyon laban dito si Montejo, mistula itong “bulag, pipi at bingi”sa raket ni “Jesus Richard” na parang “putok sa buho” na sumingaw na lang sa mga tanggapan ng QCPD Headquarters sa Camp Karingal, kaalinsabay sa pagluklok sa pwesto ni Montejo bilang hepe ng QCPD’s Best.
Kaya bilang bagong bossing ng QCPD, dapat ay umaksyon agad si Montejo para alamin ang ‘kolek-tong’ scheme na ito. Batay pa rin sa ating sources, biglang sumulpot sa Camp Karingal si “Jesus Richard” sa araw din mismo nang umupong hepe ng QC’s Best si Montejo.
Ganito ang kwento ng ating KASIKRETA, Kung ‘di pa alam ni Kernel Montejo- pinatawag pala ni “Jesus Richard” ang lahat ng iligalista para sa “obligasyon o tara.”
Ang “tara o obligasyon” ay ang weekly tongpats na ibibigay nila (iligalista) na kokolektahin ni “Jesus Richard’ para “kay boss sa Camp Karingal” at ng big boss nito sa Camp Bagong Diwa.
Tumataginting na P1 million kada-linggo ang hinihingi ni “Jesus Richard” – P100,000 para sa kanya at Php900,000 daw sa kanyang boss at karagdagang Php 250,000 para sa big boss ng kanyang boss at Php 50,000 pang “butaw” para sa kanya.
Sa kabuuan pala ay umaabot sa Php 1.3 milyon weekly, ang nakukulimbat nitong si “Jesus Richard”sa paggamit lamang ng pangalan ng kanyang boss sa Camp Karingal at ng big boss ng kanyang boss sa Camp Bagong Diwa?
Samakatwid, nakalululang Php 5.2 milyon ang naibubulsa nina “Jesus Richard” kada isang buwan, kayat umaabot ang kolek-tong na naiububulsa ng mga ito sa Php 62.4 milyon bawat isang taon. Kung gayon, baka naman lalong tumaba ang big boss ng boss ni “Jesus Richard at pisikal na magmukhang baboy na ito?
Ang mga nakokolektahan na ni “Jesus Richard” ay ang jueteng, lotteng operator na si TONY BOLOK, CONRAD, TEPANG, LITO MOTOR, CARLO, PAUL, ABEL, EDMOND, FIDEL, karera bookies financiers na sina VER BICOL at BOY ABANG.
Si BOLOK ang isa sa pinaka-astig na gambling lord sa Metro-Manila pagkat bukod sa QC ay nakapag-ooperate din ito ng sugal sa Maynila, Las Pinas at Paranaque.
Kabilang din sa naghahatag ng payola kay “Jesus Richard ay ang mga ilegalistang sina DING PALMERA, EDWIN MATTA, ang notoryus na color games o pergalan operator na si ALEX at iba pa.
Arangkada pa lang ay hindi na agad maganda ang imahe ni Montejo, gayong kauupo pa lang nito sa QCPD dahil sa mga kabulastugan ni “Jesus Richard”.
Teka nga pala, tuloy pa daw ang lumang kalakaran sa QCPD, ang koleksyon sa mga (walwal, at palagas)grupo ng mga mandurukot na Cebuano at Ilongo sa kahabaan ng EDSA, mga salisi sa malls, snatcher at tutok kalawit, akyat-bahay at gapos gang sa malalaking bahay sa mga subvidision at iba pang elementong kriminal.
Ayaw ko na sanang ungkatin, noong araw, marami na rin tayong na-enkwentro na mga kriminal, ngunit gayon ay lalong tumindi ang mga bagong sibol na hoodlums sa Q.C, armado na rin ng matataas na kalibre ng baril dahil na din sa proteksyon ng ilang eskalawag sa hanay ng pulisya at ng nagpalit-palit na mga kolek-tong na tulad ni “Jesus Richard.”
Ibig sabihin nito, ay naghahatag din ang organisadong underworld na ito kay “Jesus Richard” sa tulong ng mga eskalawag na operatiba. Di pa nga kaya “nadadamo” ang kitaan na ito ng boss sa Camp Karingal at ng big boss nito sa Camp Bagong Diwa? Abangan natin kung kikilos si Montejo…
***
Para sa komento:Cp # 09293453199, email:sianing52@gmail.com

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close