Nakaposas at nakapiring ng panyo ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Cubao, Quezon City.
Sa kuha ng CCTV, kita ang isang SUV na kumanan mula Liberty Avenue papuntang 7th Avenue sa Cubao, Quezon City bandang 2 a.m. Bumaba ang driver ng SUV at ilang minuto na magmamasid sa lugar na tila kumukuha ng tiyempo.
Maya-maya pa, dalawang lalaki pa ang bumaba sa SUV. Ang isa sa mga ito, biglang pinagbabaril sa gilid ng kalsada.
Tumakas ang mga suspect pero napilitang iatras ang SUV pabalik dahil sarado ang kalsada.
May nakuhang bag sa biktima na naglalaman ng mga personal na gamit.
Kahit nakunan ng CCTV, hindi kita ang plaka ng SUV.
Iniimbestigahan pa ng Quezon City Police District ang krimen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *